Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Deborah Sun

Deborah Sun naaksidente sa shooting ng Batang Quiapo, mukha tumama sa semento

HARD TALK
ni Pilar Mateo

KAPAG siya ang nag-message sa akin, sigurado importante. My dearest Mama Deborah Sun.

Pilar, nak paabot mo ang pasasalamat ko kay Sen. Lito Lapid sa tulong na ipinadala niya sa akin. Kay Ara Mina na sobrang nag-aalala sa akin. Maya’t maya text ng text at tawag ng tawag kinakamusta ang kalagayan ko. And siyempre sobrang nagpapasalamat din ako kay Direk Coco Martin at ABS-CBN na hindi nila ako pinababayaan. Sagot nila lahat ang gastos dito sa ospital. Tawag nga rin ng tawag iyong field cashier ni Direk Coco at kinakamusta at kung ano raw kailangan, i-text or tawagab agad sila. Salamat talaga sa kanila—Sen.Lito, Ara Mina, Direk Coco Martin and ABS.”

Bakit siya nagpapasalamat?

Naaksidente ako sa taping ng ‘Batang Quiapo.’ Nilagyan ng cast ang upper arm ko hanggan balikat. Iyon mukha bumagsak sa lapad na semento. Kaya maga mukha ko pikit mata ko. Para akong binugbog.

“Pero importante nagawa ko ng tama iyon sa eksena.

Habang take nak. Habulan ang eksena. Barilan ang eksena, na out of balance ako, bumagsak ako padapa. Mukha ko ang unang tumama sa sahig na semento. Nang iharap ako pati pala balikat at braso hindi ko na maikilos.

“Isipin nak napasubsob ako talaga sa sahig sa lapad na semento bagsak talaga ako plakda.

“Aksidente naman iyon nak. Importante nagawa ko pa rin iyong dapat sa eksena.”

Kasalukuyang nagpapagamot sa Delos Santos Memorial Hospital ang beteranang aktres.

Sina Lorna Tolentino at Joey Marquez ang kasama niya sa eksena nang maganap ang aksidente.

Kaya mahaba-habang pamamahinga ang kailangan bago muli siyang makapag-trabaho.

Get well soon  my Mama Deb!!! 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …