PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
BINIRO namin si direk Jeffrey Hidalgo na hindi kaya kalampagin siya ng yumaong National Artist na si direk Ishmael Bernal, dahil ang isa na namang classic movie na ginawa nito ay title ng latest Vivamax offering niyang Salawahan.
“This is not actually the first time na gumawa ako ng may same title na ginawa ni direk Ishma. Nagawa ko rin dati ‘yung ‘Ligaw na Bulaklak,’ but both are entirely different concepts. Suwerte lang ako dahil si Raquel Villavicencio ang writer kaya’t tiwala akong hindi namin babastusin ang classic movie titles ni direk Ishma,” paliwanag ni Jeffrey.
Ang Salawahan din ang first venture ni Albie Casino bilang co-producer ngayong nasa Viva Artist Center na rin ang magaling na aktor.
Kasama ni Albie sina Angela Khang, Van Allen Ong, Shiela Snow, at Itan Rosales.
Hindi na bagito sa pagdirehe ng sexy, intimate and bold scenes si Jeffrey, na minsan na ring naging daring as an actor sa ibang sexy films. “Alam ko ang limitations, alam ko ang puwede sa hindi. Artista rin po ako kaya alam ko ang nararamdaman at iniisip ng mga artistang naghuhubad o gumagawa ng mga intimate na eksena,” dagdag pa nito.
Showing na sa Feb, 2 sa Vivamax ang Salawahan.