Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jennylyn Mercado Gabby Concepcion Max Collins

Gabby, Jen, Max at iba pang Kapuso stars pinainit ang Sinulog Festival

RATED R
ni Rommel Gonzales

MAINIT ang naging pagtanggap ng mga Cebuano sa paborito nilang Kapuso stars na naki-join sa makulay na selebrasyon ng Sinulog Festival sa Cebu City last weekend. 

Tilian ang lahat ng fans nang lumabas sa stage sina Jennylyn MercadoGabby Concepcion, at Max Collins para ipakita ang inihanda nilang performances noong Biyernes, January 19. Bakas sa mga mukha ng marami na para bang dream come true na nakaharap at nakasalamuha nila ang paboritong artista sa Kapuso Fiesta na ginanap sa The Terraces, Ayala Center Cebu.

Binalot naman ng kilig ang Ayala Central Bloc dahil sa nakakikilig at very engaging na song and dance numbers nina Teejay Marquez, Royce Cabrera, Myrtle Sarrosa, at Kristoffer Martin. Imbes na kainisan dahil sa mga karakter nila sa isang, kinompleto pa nila ang araw ng fans noong January 20. 

Hindi pa nagtatapos d’yan ang naging regalo ng GMA sa mga Kapusong Cebuano dahil present din para maki- Pit Senyor noong January 21 sa SM City Cebu sina Ken Chan at Kazel KinouchiKate Valdez, at Joaquin Domagoso.

Bongga talaga ang line-up ng GMA Regional TV kahit umpisa pa lang ng taon. Kaya naman tiyak marami pang dapat antabayanan ang mga Kapuso natin mula sa iba’t ibang region sa bansa. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …