Saturday , November 16 2024
Papa Obet

Papa Obet memorable nominasyon sa 14th Star Awards for Music

MATABIL
ni John Fontanilla

NAPAKAHALAGA kay Barangay LSFM DJ, singer and composer Papa Obet ang nominasyong nakuha sa 14th Star Awards for Music dahil ito ang kauna-unahang nominasyong nakuha niya bilang singer.

Nominado si Papa Obet sa kategoryang  Revival Recoding of the Year para sa awiting Ikaw Lang At Ako (GMA Music).

Makakalaban nito kategorya sina Iñigo Pascual – All Out Of Love – (Tarsier and Star Music), Ang Pag Ibig Kong Ito ni Rachel Alejandro (Star Music), Bakit Nga Ba Mahal Kita, Gigi De Lana (Star Music), Init Sa Magdamag ni Jona (Tarsier and Star Music), Paano ng  InnerVoices| Vehnee (Saturno Music Corporation ), at Sabi Mo ni Sheryn Regis (Star Music).

Ayon kay Papa Obet, “sobrang espesyal ang nominasyon na nakuha ko sa PMPC’s 14th Star Awards for Music dahil this is my very first nomination in my music career.

“Before kasi bilang DJ sa radyo ang mga nominations ko. Siguro ako ‘yung taong hindi na naghahangad manalo kasi makasama ka lang sa nominasyon ay malaking bagay na. 

“Sobrang pasasalamat sa lahat ng PMPC officers for including me in your lists of nominees.

At napaka-espesyal sa akin nito dahil habang buhay ko itong maaalala bilang kauna-unahang award giving body na nakapansin sa talento ko. 

“Bata pa lang ako naririnig ko na ang award nito, hindi ko lubos maisip na mapapasama pala ako rito. Mas lalo akong ginaganahan na gumawa pa ng mga kanta para sa akin at para sa iba.

Hindi man tayo gaanong kalaki ang pangalan sa industriyang ito pero para sa akin nakakapag-bahagi na ako sa OPM at masasabi kong successful ako dahil masaya ako sa ginagawa ko at nahigitan pa nito ang simpleng pangarap ko. Kaya maraming-maraming salamat sa PMPC’s Star Awards for Music sa pagkilalang ito,” pagtatapos ni Papa Obet.

About John Fontanilla

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …