NAARESTO ng mga operatiba ng Station Intelligence Section (SIS) ng Valenzuela police ang isang most wanted persons sa isinagawang manhunt operation sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.
Sa ulat ni Valenzuela City police chief P/Col. Salvador Destura Jr. kay Northern Police District (NPD), nakatanggap ng impormasyon ang SIS na naispatan sa Camarin, Caloocan City ang presensya ng akusadong si alyas Romano na kabilang sa mga most wanted person ng Valenzuela City.
Kaagad bumuo ng team ang SIS sa pangunguna ni P/Cpt. Ronald Sanchez saka nagsagawa ng manhunt operation kontra wanted persons na nagresulta sa pagkakadakip sa akusado dakong 7:00 sa Brgy. 175, Camarin, Caloocan City.
Ang akusado ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Arthur B Melicor ng Regional Trial Court Branch 284, Valenzuela City noong June 23, 2023, para sa kasong Murder.
Pansamantalang nakapiit ang akusado sa Custodial Facility Unit ng Valenzuela police habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order mula sa korte. (ROMMEL SALES)