Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jean Kiley

Jean Kiley napa-‘oo’ ni Direk Njel de Mesa

HARD TALK
ni Pilar Mateo

SA mga mediacon ng Viva Films at Vivamax namin siya madalas na ma-encounter. 

Beautiful. Brainy. ‘Yun ang Jean Kiley na nakilala namin. Hanggang sa ilunsad siya ng recording outfit ng Viva dahil mahusay din palang kumanta.

Lagi naming tanong sa kanya noon, kung kailan ba siya sasalang sa mga pelikula ng Viva Films o Vivamax?

Tigas na tanggi ni Jean na sasalang siya sa mga sexy and daring scenes sa mga pelikulang hino-host niya ang mga mediacon.

Pero, pwede naman siyang umarte.

Kaya ang nakapagpasagot ng oo ni Jean para mag-emote sa pelikula eh, walang iba kundi ang producer, director ng NDM Studios at Vice-Chairman ng MTRCB, si Direk Njel de Mesa.

Kaya sa Hongkong Kailangan Mo Ako, sa isang full length buddy-girl comedy film, gagampanan nila ni Mayton Eugenio ang papel ng mag-bestfriends na nagbakasyon sa Hongkong pero ‘sangkaterbang mga kamalasan naman ang kinaharap. Mga travel horror stories ang kanilang ibabahagi na ikatutuwa ng mga manonood dahil siguradong makare-relate sila.

Sa tulong ng Hongkong Tourism Board, maraming magagandang lugar ang naikot ng production para kunan ang mga eksena na magpapakita sa istorya nina Mallory at Blair. Nagpapasalamat din ang cast sa suporta ng mga OFW natin sa nasabing bansa na nakasama sa ilang eksena sa pelikula.

Isasali muna ni Direk Njel sa film festivals abroad ang pelikula bago ipalabas dito. Nangangalampag na ang kanilang trailer sa kanilang official Facebook at YouTube channels. 

Way to go Jean Kiley and Mayton, whose surname rings a bell. ‘Am sure magaling din siyang magsayaw.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …

Claudine Barretto Inday Barretto

Ina ni Claudine na si Mommy Inday pumanaw sa edad 89

PUMANAW na ang ina nina Gretchen, Marjorie, at Claudine Barretto na si Estrella Barretto, o mas kilala bilang Mommy Inday, …

Lala Sotto MTRCB

MTRCB, aprub anim na banyagang pelikula

APROBADO sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang anim na pelikulang ipalalabas …

Alex Castro Sunshine Garcia

Bulacan VG Alex Castro nagpasalamat sa suporta ng fans sa SexBomb, nakatutok pa rin sa problema sa Prime Water

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISA si Bulacan Vice Governor Alex Castro sa binigyan ng …