Friday , April 18 2025
Engkuwentro sa Meycauayan 3 patay Isa pa sa Norzagaray arestado sa pagpapaputok ng baril

Engkuwentro sa Meycauayan, 3 patay;  Isa pa sa Norzagaray arestado sa pagpapaputok ng baril

DALAWANG lalaking nakamotorsiklo ang napatay sa armadong engkuwentro sa mga awtoridad matapos na ang mga ito ay unang pagbabarilin ang nakabantay na tanod sa barangay hall ng Bahay Pare, Meycauayan City, Bulacan kamakalawa ng gabi.

Sa ulat na isinumite kay PColonel Relly B. Arnedo, provincial director ng Bulacan PPO, nakasaad na agad na tumugon ang Mecauayan CPS nang makatanggap ng ulat sa pamamagitan ng tawag sa telepono mula sa Brgy. Bahay Pare, Meycauayan City, hinggil sa insidente ng pamamaril.

Binanggit sa ulat na ang mga suspek ay walang habas na nagpaputok ng baril sa barangay hall ng Bahay Pare kung saan nasapol ng bala ang bantay na tanod  dakong alas-8:12 ng gabi.

Pagdating sa lugar ng mga rumispondeng tauhan ng Meycauauan CPS ay una silang pinaulanan ng bala ng mga suspek na humantong sa armadong engkuwentro.

Ang barilan ay nagresulta sa pagkamatay ng dalawang suspek na kapuwa armado ng kalibre .45 habang walang nasawi sa panig ng kapulisan, samantalang dalawang biktima na tinamaan ng bala ang agad na isinugod sa pinakamalapit na pagamutan subalit nasawi ang barangay tanod na unang pinuntirya ng mga nakamotorsiklo.

Kasalukuyan pang inaalam ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng mga napatay na suspek gayundin ang motibo sa kanilang isinagawang krimen.

Samantala, sa Norzagaray, isang 18-anyos na lalaking suspek na residente Brgy. Bagong Pagasa, Quezon City, ang dinakip din ng mga rumespondeng tauhan ng Norzagaray MPS dahil sa mga krimeng Alarms and Scandal at R.A. 10591 kaugnay sa tinanggap na tawag sa telepono mula sa testigo.

Napag-alamang walang humpay sa pagpapaputok ng baril ang suspek habang sumisigaw na may panunuya at naghahamon ng away sa mga tao sa kalsada.

Nakumpiska sa suspek ang isang cal. 38 Armscor na may serial number na 814148 na kargado ng isang bala at isang fired cartridge case.

Inihahanda na ng mga awtoridad ang kaukulang reklamong kriminal para sa pagsasampa sa korte laban sa naarestong suspek na ngayon ay nasa custodial facility ng Norzagaray MPS.

Kaugnay nito ay tiniyak ng Bulacan PNP sa publiko na sila ay protektado laban sa mga grupo o indibidwal na nagpapataas ng takot at karahasan sa loob ng ating komunidad. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Tour of Luzon The Great Revival a complete package

Tour of Luzon ‘The Great Revival’ a complete package

Ang Tour of Luzon a complete package ng isang multi-stage race sa pagbabalik ng kilalang …

Philippine Aquatics Inc PAI Water Polo

PH Youth squads sasalang sa Malaysia Water Polo tilt

ANG Philippine Aquatics, Inc. (PAI) ay bumuo ng 30-man Philippine Junior Teams (lalaki at babae) …

PVL Rookie Draft 2025

Matapos ang Makapigil-hiningang Finals, PVL tumutok sa Rookie Draft Mode

KAMAKAILAN lang mula sa kapana-panabik na pagtatapos ng Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference Finals …

Sarah Discaya

Walang Katotohanan sa Umano’y Pang-aabuso sa PWD sa Pasig

ISANG residente ng Lungsod ng Pasig na lumahok sa pamamahagi ng bigas—kung saan na-interview ang …

Imelda Aguilar Dalia Varde Khattab

Pambato ng Las Piñas sa 2025 Binibining Pilipinas bumisita kay Mayor Aguilar

MALUGOD na tinanggap ni Mayor Imelda “Mel” Aguilar sa kanyang tanggapan ang 21-anyos Filipino-Egyptian actress …