Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Denise Esteban Aiko Garcia Victor Relosa Roman Perez Jr

Denise may limitasyon sa paghuhubad; Aiko Garcia muntik mamolestiya noong 12-anyos

HARD TALK
ni Pilar Mateo

PAPALIT-PALIT, PALIPAT-LIPAT ang mapapanood na sa  Vivamax simula sa January 24, 2024 na pelikula ng Cult Director na si Roman Perez, Jr.

Nagtatampok ito kina Denise Esteban, Aiko Garcia, at Victor Relosa.

Nang makausap namin ang nagbibidang si Aiko, nasabi nito sa working relationship nila ng mga kasama niya with direk Roman. Masaya lang at walang pressure.

Medyo kampante na sila ni Denise sa pagpapa-sexy. Although, kahit pa nagpapa-sexy itong Denise, may mga limitation pa rin siya. Na hindi nga pwedeng (excuse the word) lamasin ang dibdib niya.

Ayon kay Aiko, may rape scene siya in the movie. At hindi naman ito ang first time na ginawa niya ‘yun.

Ask ako ano ang proseso? Gaano kadali o kahirap?

Binuksan tuloy ni Aiko ang isang pintuan sa nakaraan niya. When she was 12 years old. Muntik na siyang mamolestiya ng isang kapitbahay dahil naiwan siyang mag-isa sa bahay nila. Natandaan niya ang mukha niyong tao. Pero ‘di na raw sila gumawa ng legal na aksiyon.

Trauma ‘yun kay Aiko pero mukhang doon siya nakahugot ng emosyon sa eksenang ginawa niya ngayon sa pelikula. Dahil ramdam pa rin niya ‘yung nangyaring takot sa kanya. Na ipinagpasalamat niya na natakasan niya.

Nais naman ng cult director na si Roman na i-uplift ang viewing pleasure ng mga tao. Kaya naman ngayong bumabalik na sa mga sinehan ang mga tao, at sige naman ang alagwa ng mga pelikula sa streaming, nakaaabot na  ito sa iba’t ibang parte ng mundo. Kaya happy pa rin siya dahil isang paraan din ito na makaikot ito sa iba’t ibang festivals sa iba’t ibang bansa. 

Ang kuwento ng Palipat-Lipat, Papalit-Palit

ay makapagbubukas din sa mata ng mga taong pumapasok sa isang relasyon at nasa relasyon na.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …