Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Yana Sonoda Len Carrillo

Yana Sonoda, happy sa pangangalaga ng manager na si Ms. Len Carrillo

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

MASAYA si Yana Sonoda sa pagpunta niya sa pangangalaga ng talent manager/producer na si Ms. Len Carrillo.

Si Yana ang dating Yana Fuentes at nagpalit siya ng screen name dahil Sonoda raw talaga ang kanyang tunay na family name.

Nabanggit ng aktres na masaya siya sa kanyang manager.

“Yes, happy po ako sa pangangalaga ng aking manager. Masaya po, kasi napakabait ni Nanay Len and since wala ang mom ko po rito sa ‘Pinas, parang nanay ko talaga siya rito,” sambit ni Yana.

Si Yana ay isang Pinay-Japanese na nagtapos ng kursong International Business Law sa Tokyo. Siya ay isang model at beauty queen sa Japan, na naging Miss Universe Japan- 2nd runner up.

Dalawa sa pelikulang natapos na niya ang hindi pa naipalalabas. Ito ay ang Peyri Teyl ni direk Joel Lamangan. Si Yana ang bida rito at co-stars niya sina EA Guzman, Lou Veloso, Albie Casiño, Ate Gay, Iñaki Torres, and Drei Arias.

Ang isa pang movie niya ay ang Ligalig na pinagbibidahan ng National Artist for Film na Nora Aunor. Tampok din dito sina Allen Dizon, Winwyn Marquez, at iba pa.

Ano ang plano ni Ms. Len sa kanyang showbiz career?

Esplika ni Yana, “For now hindi pa po ako sure kung ano specifically ang plano, pero for sure marami pong plano.”

Inusisa rin namin kung sinong mga artista ang wish niyang makatrabaho sa hinaharap.

Tugon niya, “Sina Ms. Heart Evangelista, Ms. Marian Rivera, and Ms. Anne Curtis po, kasi sila talaga ang mga idol ko po. Ang goal ko po ay sundan ang yapak nila dahl idol ko po silang tatlo.”

Ayon pa sa aktres, may plano siyang sumabak muli sa beauty pageant, kaya ayaw niyang magpa-sexy sa pelikula.

“Hindi ko po talaga nakikita ang sarili ko na magpa-sexy since kino-consider ko pa rin po na sumali sa beauty pageant, baka soon po,” pakli pa ni Yana.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …