Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Dustine Mayores

Starhunt at PBB alumni hahamunin ang galing sa pag-arte

HARD TALK
ni Pilar Mateo

BIGLAAN ang paanyaya. Debut! 

Pero hindi gown ang suot ng nagdiriwang ng kanyang ika-21 kaarawan. Lalaki, eh.

Si Dustine Mayores. Na hinangaan sa pagsali niya sa Starhunt sa ang Ultimate Bida Star: Boy Next Door na reality show sa ABS-CBN

Nakapasok din siya sa Bahay Ni Kuya. PBB Teen Ex-Housemate.

Maraming binuksan for Dustine ang pagka-panalong ‘yun. Sa kabila ng pagiging hati ng isip dahil sa mga dinaanang unos sa buhay.

Sa videos in his debut, ipinakita ang tinahak na landas ng binata sa kanyang buhay. Na ginusto nang sumuko sa buhay. Pero dahil na rin sa suporta ng mga nasa paligid, nakabangon agad sa pagkakadapa.

At aminado naman ang debutante na umako sa mga dinaanan niya para makarating sa kung nasaan siya ngayon.

Sa kanyang debut, kompleto ang mga nagmamahal sa kanya. Pamilya. Kaibigan. Kasama sa trabaho. 

Katuwaan sa kanyang 21 perfumes, 21 bills, 21 wishes, 21 shoots. 

Ano pa ba ang mahihiling niya?

Maka-pamilya si Dustine. Kaya nga nang magka-problema ang kanyang mga magulang, siya ang nawindang. Kaya ngayong umayos na ang lahat at umayon na sa kanilang kapalaran, hindi naman nawaglit ang focus ni Dustine sa mga mahal sa buhay, lalo na sa kapatid.

At isang magandang regalong natanggap niya sa pagdating ng proyektong hahamon na sa kanyang kakayahan bilang isang aktor.

Isang serye na isang closet gay (na anak ni Agot Isidro) ang kanyang gagawin. Bida na ba siya?

Luminaw na ang minsang nagdilim na mundo ni Dustine. At ipinapangako niyang hindi na siya susuko sa laban ng buhay! 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …

Cassy Legaspi

Cassy sa serye ng kanilang pamilya: this is our love letter

RATED Rni Rommel Gonzales THANKFUL din si Cassy Legaspi sa seryeng pinagbibidahan ng kanilang buong pamilya, ang Hating …