MAYROON nga bang demolition job kontra kay Daniel Padilla?
Iyan ang nais sabihin ng mga supporter ng aktor sa halos sunod-sunod na birada sa aktor since maging national issue ang hiwalayan nila ni Kathryn Bernardo.
May mga naglabasang tsika ng kanyang
umano’y pagtataksil sa relasyon na noong 2014 pa raw nag-start.
At nito ngang huli (2023) ay sa isang Vietnamese girl naman ito nasangkot until magbigay ng kanyang pahayag ang isang nangangalang Emma (Minh Phuong) na nakilala nga nina Daniel (with his friends) sa isang bar doon.
Ayon kay Emma, never niyang nakita o nakilala si Daniel until last year nang magpunta ito sa Vietnam at sa isang bar na pag-aari ng kanyang kapatid na lalaki.
Ang naturang kapatid daw ni Emma ang nagsabing sikat na aktor sa Pilipinas si Daniel na bumisita sa bar nila. Plain hello and have a good time sort of greeting lang daw ang naganap sa kanila kaya’t gulat na gulat si Emma nang kuyugin siya ng mga KathNiel fans at akusahan ng kung ano-ano.
“That was my first and last time meeting of him (DJ), in a bar owned by my brother. I was with my sister at that time, we saw them and the only interaction we had, was that hello and enjoy time,” sey ni Emma.
There it goes.