Thursday , January 9 2025
Thea Tolentino Inah de Belen Jake Vargas

Anak nina Janice at John na si Inah nakapila ang ipoprodyus na pelikula

RATED R
ni Rommel Gonzales

KAHANGA-HANGA sina Inah de Belen at boyfriend na si Jake Vargas dahil producer na sila sa pamamagitan ng kanilang Visionary Entertainment, ang pelikulang Pilak.

Kuwento ni Inah, “Actually Jake and I, this is our second movie under our production. The first one ‘Sentimo’ will be released this 2024, actually dubbing na lang ‘yung kulang sa movie na iyon.

“Kami ni Inay Elaine kasi matagal na kaming magkaibigan,” pagtukoy ni Inah sa direktor ng bago nilang pelikulang Pilak na si Elaine “Alex” Crisostomo.

Sabi ko, since narito na kami sa industriya na ’to, napag-isipan namin ni Jake na, ‘Ano bang business ang puwede nating pasukin?’

“Sabi ko, ‘Bakit pa tayo lalayo sa kung ano ang alam natin? So why don’t we start our own production company?’

“And bilang si Elaine she’s been a concert producer for 22 years but before that she’s working as an assistant director for ‘Tabing Ilog’ and many more shows before that, sabi ko, ‘Why don’t we make our own production company?’

“Kasi ako as an artista and also as somebody with parents who are actors, I see the quality of the TV shows and ‘yung movies na ginagawa nila.”

Mga magulang ni Inah sina Janice de Belen at John Estrada na kasali rin sa pelikula.

Lahad pa ni Inah, “And ako growing up I watch a lot of movies talaga. Not just mga international movies but mga movies here also, so sabi ko, instead of waiting for roles to be given to us na you know, hindi natin masyadong gusto, why don’t we make something that we really want to do and alam natin na ikagaganda ng industry ng Pilipinas.

“And this is not just one movie we are already… we have five movies after this, na napag-isipan talaga namin ng magandang story.

“So if maitawid namin ng maganda itong ‘Pilak,’ this will open a lot of doors for those in the Philippine movie industry, to make more quality films.

“Kasi iyon talaga ‘yung bubuhay ng industry natin, eh. And you know, if we want this to be a longtime thing, kailangan din nating mag-evolve ng mag-evolve ng mag-evolve.   

“Because tulad ngayon a lot of people watch films from Netflix, ‘yung ‘Linlang’ hindi pa ipinalalabas sa TV, sa Amazon Prime pa lang, so you can see already that Filipinos already appreciate films na maganda talaga ‘yung story and hindi ‘yung usual story.”

Mainit ang pagtanggap ng publiko sa Linlang na isang drama/thriller online series na isa sa mga hinangaan sa pag-arte ay ang kapatid ni Inah na si Kaila Estrada na bidang aktres sa Pilak.

And it’s true lumawak talaga ‘yung taste ng Filpino audience and tulad ng sinabi ko we really need to evolve and I think it’s about time to evolve talaga, so kaya rin po we started this production company also,” paliwanag pa ni Inah.

Producers din ng pelikula si direk Elaine gayundin sina Bea Glorioso.

Kasosyo rin ang GMA actress na si Thea Tolentino at Uno Juan bilang executive producer, line produced naman ng Entablado Production USA at Ilaw Media.

About Rommel Gonzales

Check Also

Sam SV Verzosa Quiapo Nazareno

Sam Versoza 16 taon nang namamanata sa Nazareno, miyembro ng Hijos del Nazareno

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio KONGRESISTA o simpleng tao, patuloy pa rin ang pamamanata sa …

Jimmy Bondoc

Jimmy Bondoc, sumabak na rin sa politika

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MAHALAGANG taon at malaki ang magiging pagbabago ng 2025 sa singer, lawyer, …

MMFF 50

Kontrobersiya sa MMFF 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAYA naman ‘yung mga traydor na hanggang ngayon ay naglilinis-linisan sa …

Vilma Santos Ed de Leon

Ate Vi dinalaw puntod ni Kuya Ed de Leon

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAG-IISA ka talaga ate Vi, ang ating minamahal na Star For …

Cristy Fermin Darryl Yap The Rapists of Pepsi Paloma

Cristy kinuwestiyon si direk Darryl Yap; respeto sa kapwa iginiit

KONTRA si Cristy Fermin sa pagsasapelikula ni Darryl Yap ng The Rapists of Pepsi Paloma. Ang dahilan, tila gusto raw …