Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Marion Aunor nahulog

Marion Aunor, patuloy sa paghataw sa musika at pelikula

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

PATULOY sa paghataw ang showbiz career ng talented artist na si Marion Aunor.

Sa gaganaping 15th Star Awards for Music ng Philippine Movie Press Club (PMPC) ay nakakuha ng 2 dalawang nominasyon si Marion. Namely, Revival Recording of the Year para sa Nosi Balasi from Viva Records and Wild Dream Records at sa Female R&B Artist of the Year for Traydor Na Pag-ibig mula Viva Records.

Ang dalawang kanta ay bahagi ng original soundtrack ng blockbuster movie na Maid In Malacañang ni Direk Darryl Yap.

Nagpasalamat si Marion sa kanyang nominations, “Grateful po ako to PMPC for the recognition. Salamat po sa PMPC and friends namin from the media sa patuloy ninyong pag-support sa amin ni Ash. Naa-appreciate po talaga namin yun. Sana po ‘di kayo magsawa sa pag-support sa amin at sa music/projects namin.”

Ano ang masasabi niya sa songs na ito? “Iyong Nosi Balasi ay kay Sampaguita, cover po for the movie Maid in Malacañang, gumawa po kami ni Ashley ng orchestral version.

“Iyong Traydor na Pag-ibig, original song ko naman po na isinulat for the movie. Medyo may pagka vintage yung tunog. Aside from the movie, puwede rin naman po ito para sa mga patuloy na umiibig kahit masakit, Hahaha!”

Nabanggit din ng talented na singer/songwriter ang latest sa kanya.

Aniya, “May inilabas po akong bagong single called “Nahulog”. May lyric video na rin po at music video ito sa Wild Dream Records Youtube Channel. Featured din po sa music video si Marco Gallo.

“Vintage sounding love song po yung Nahulog. Puwede pong pang-slow dance, pang-wedding or pang-propose yung song. About finding the one or finding the love of your life.”

May bagong movie siya ngayon? “Yes po, part ako ng movie ni direk Jason Paul Laxamana called “A Glimpse of Forever”. I think lalabas na po yung movie this January. Kasama po sa cast sila Jasmine Curtis Smith, Jerome Ponce, and Diego Loyzaga.

“Ang name ko po rito sa movie is Frida. Nagwo-work po yung character ko sa company kung saan magwo-work yung character ni Jerome. May drama and romance po na mapapanood sa movie,” kuwento pa ng singer/actress.

Ano pa ang wish niyang mangyari sa kanyang career? “Sana tuloy-tuloy lang po yung opportunities in both music and movies,” nakangiting sambit pa ni Marion.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …