Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jasmine Curtis-Smith Jeff Ortega

Jasmine inamin 8 taon nang nakikipag-live-in sa non-showbiz BF

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

NAPAKA-HONEST ni Jasmine Curtis-Smith sa pag-aming nagli-live-in na sila ng kanyang almost eight years non-showbiz BF.

“It’s an organic kind of living-in. And both our families knew and approved of it naman,” sey ni Jasmine nang makapanayam namin ito kamakailan.

Although sa kasalan pa din naman mauuwi ang lahat, sinabi ng aktres na kapwa nila nae-enjoy ang nasabing set-up.

Sa latest series niya sa GMA 7 na Asawa ng Asawa Ko, big challenge kay Jasmine ang role na nagkaroon ng dalawang asawa. Bunga ng isang tunay na pagmamahalan ang isa (with Rayver Cruz) at nang dahil sa isang maaksiyong pakikibaka naman ang nangyari sa pangalawa (with Joem Bascon).

“Iba ang kuwento, iba ang atake. Magagaling pa ang mga kasamahan ko plus our director (Laurice Guillen), wow. Nakaka-pressure talaga lalo pam-primetime ito,” susog pa ni Jasmine.

At dahil isang may anak na ina ang role niya sa series, masaya si Jasmine sa pagmamalaking nang dahil sa mga kaibigan niya at kapatid na may mga anak na, kaya hindi na siya ganoon nahirapan mag-portray.

I saw and experienced the way their nurture and love their children. Medyo naging hands on na rin for me ang mag-alaga ng mga bata. I just thank my friends and ate for letting me experience being a mother to their kids,” paliwanag pa ni Jasmine.

Magsisimula na ngayong January 15 sa GMA 7 primetime ang serye.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …