Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Donny Pangilinan Belle Mariano DonBelle

Donny inakusahan ng fans ginagamit lang daw si Belle

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

TILA naipit si Donny Pangilinan sa sitwasyong nakukuwestiyon ang loyalty nito sa love team nila ni Belle Mariano.

May mga DonBelle supporter kasing nagsasabing parang ginagamit lang ng aktor si Belle dahil hindi nito madiretso ang mga plano niya sa kanyang career.

Kahit ang sinasabing viral video nila ni Kathryn Bernardo noong kasal ni Robi Domingo ay hindi umano maikuwento ng maayos ng aktor.

Hay, nakakalokang mga fandom talaga noh. Parang feeling nila talaga ay hawak nila sa leeg ang kanilang mga idolo.

Pati nga ang latest movie venture ni Donny na GG (Good Game) ay hinahaluan ng intriga.

Family venture ng Pangilinan ang esport movie na ito at hindi naman ito ‘yung pang-love team kumbaga. May sarili itong adbokasiya at 100% talaga ay tungkol sa mga gamer at kung paano itong nagiging karir, isyu sa pamilya, at mga usaping team games.

Sure naman kaming happy si Belle sa karir ng kapartner niya kung paanong ganoon din si Donny kay Belle.

At dahil confident and positive ang bumubuo ng pelikula dahil sa epekto ng Metro Manila Film Festivalmovies, sana naman daw ay bigyang pansin ang pelikula na showing na sa January 24.

It’s a barkad movie, family movie and for those that want to understand the life of a gamer, even the non-gamers will appreciate this movie,” hirit pa ni Donny.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Janna Chuchu

 International Global Achievers Awards 2025 matagumpay

MATABILni John Fontanilla WELL attended ang katatapos na pagbibigay parangal ng International Global Achievers Awards 2025 na ginanap …

Will Ashley

Will Ashley kayang magmahal ng walang hinihintay na kapalit 

MATABILni John Fontanilla GAME na game na sinagot ng isa sa hottest young actor ngayon …