Wednesday , January 7 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
RAMPA Drag Club LGBTQ+ 2

Divine Divas binigyan pa ng pakpak para mas makalipad

HARD TALK
ni Pilar Mateo

PANDEMYA. Hindi mapakali ang mga utak at puso. Kailangan pa ring gumalaw. Lumaban sa buhay at sa lumalaban sa buhay.

Teknolohiya. May silbi pala. Tiktok. Kumu. Basta pwedeng maging daan pa rin para kahit paano, magka-hanapbuhay. Kahit ang tanikala ay hindi nangakong ikaw ay makakakawala.

‘Yun sina Brigiding, Viñas Deluxe, at Paula Nicole Smith. Kalaunan, Divine Divas na sila.

At ang ginawa nila sa tulong ng teknolohiya ay magdadala pala sa katuparan ng isang pangarap. Manganganak pala ito. Concert. May naniwala.

At ngayon, ang mga “dream girls” ay magpapalaganap pa na maalagaan ang mg iba pang pangarap na mga gaya nila.

Sa January 17, 2024 may bar na magso-soft opening. RAMPA DRAG CLUB! 

Ang tatlong diva? Sila lang naman ang magmamay-ari nito. Sa tulong ng aktor, producer, entrepreneur at iba pa na si RS Francisco, ang negosyanteng si Ms. Cecille Bravo, si Louie Gin Cabel, at ang power couple na sina Ice Seguerra at Liza Diño.

Binigyan sila ng mga pakpak para makalipad. 

At ang nasabing club ay hindi lamang para sa mga miyembro ng LGBTQIA + kundi para sa lahat ng nagnanais lang na makapanood ng ibang klase ng entertainment na pangungunahan ng Divine Divas at kanilang nga ginu-groom na performers.

Masaya si RS, dahil pangarap din niya na magkaroon ng lugar na maghahatid ng kakaibang klase ng entertainment sa mga tao. 

So, people from all walks of life can mingle, babae, lalaki, bakla, tomboy, trans and more.  Na ang hatid ay maipagmalaki ang kakayanan ng bawat isang rarampa sa entablado na makilala hindi lang dito kundi sa buong mundo.

Sa mga ipinakilalang drags sa presscon ng Rampa, may lalaki at babae na mga straight na nag-perform as drag queens. Ang husay!

Kaya, ngayong wala na ang sumpa ng pandemya, sumama na sa rampa!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Maricar Aragon

Benefit concert ni Maricar Aragon matagumpay

MATABILni John Fontanilla DINUMOG ang kaatatapos na benefit concert ng singer na si Maricar Aragon, ang Me …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley napakahusay sa Bar Boys: After School 

MATABILni John Fontanilla ISA sa hinangaan sa entries ngayon sa Metro Manila Film Festival 2025 ay ang …

Kathryn Bernardo Mark Alcala

Kath at Marc magkasama noong New Year

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HAYAGAN na ang pagkukompara ng mga netizen kina Kaila Estrada at Kathryn Bernardo. May …

GMA ABS-CBN TV5

TV5, GMA, ABS-CBN game na game sa labanan

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXCITING nga ang TV network wars this 2026. Sa aminin man …

MMFF 2025 Movies

MMFF entries bigong maabot bilyong kita sa takilya

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HAPPY New Year mga Ka-Hataw. Nakaka-sad naman ang balitang five days …