Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Andrea Brillantes Xyriel Manabat

Andrea, Xyriel G gumawa ng GL series/movie—napag-uusapin namin and I think comfortable kami

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

ALIW at walang kaarte-arteng sinagot ni Xyriel Manabat na G siyang makipaghalikan sa kapwa babae.

Sinabi niya ito nang makapanayam namin sa finale presscon ng Senior High.

Natanong kasi ang dalaga kung G ba siyang gumawa ng GL (Girls’ Love) movie o series. At agad naman niyang sinabi na ok sa kanya.

Feel ko, kung tatanungin ako, sa on-screen kissing scene, gusto ko talaga sa babae. Kasi, feeling ko, mas komportable ako ‘pag ganoon,” paliwanag ni Xyriel. “Feeling ko, mas walang ilangan, less issue, less hassle,” giit pa niya.

Si Andrea Brillantes ang gusto niyang makatrabaho sa ganitong GL project?

Bestfriend pala kasi ni Xyriel si Andrea kaya ito ang sinabi niyang gustong makatrabaho sa ganitong project. At inamin ng dalaga na napag-uusapan nila ang ganitong klaseng project.

Kinakantahan ko siya, tinitigan ko siya sa mata. Kinikilig naman siya sa akin. Ha-hahaha!”

Pansin ko lang po kasi now, there’s a lot of BL series, pero hindi pa po masyadong marami sa GL.


“If ever lang naman po, I would be comfortable doing that scene with my best friend. And si Xyriel, magaling siyang actress. Marami po kaming makukuha sa isa’t isa,
” sabi naman ni Andrea.

Huling dalawang linggo na ng Senior High, at mabubulgar na ang lahat ng mga sikreto tulad ng rebelasyon kung sino talaga ang killer sa kuwento.

Malakas talaga ang seryeng ito dahil tumabo ng 2 bilyong views sa TikTok ang inaabangang paglabas ng katotohanan sa pagpatay kay Luna (Andrea) sa inaabangang The Ender to Remember finale ng Senior High.

Pagkatapos ng matinding imbestigasyon, malalaman na rin sa wakas ni Sky (Andrea) mula kay Obet (Kyle Echarri) kung sino nga ba talaga ang pumatay sa kambal niyang si Luna.

Abangan din ang sunod-sunod na pasabog sa serye dahil tuluyan nang magwawala si Z (Daniela Stranner) sa Northford prom night dahil sa mga bangungot niya kay Luna.

Maglalabasan na rin ang lahat ng mga baho nina Harry at William (Baron Geisler at Mon Confiado) na maaaring magdulot ng mas malaking sigalot sa kani-kanilang pamilya.

Kaya tutok lang sa pgtatapos ng Senior High sa iba’t ibang platforms ng ABS-CBN.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …