Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Dave Bornea Jameson Blake Paolo Gumabao 

Jameson nakipagtalbugan ng pagpapaseksi kina Dave at Paolo

RATED R
ni Rommel Gonzales

NAKATATAWA nga eh,” ang umpisang bulalas ni Jameson Blake nang tanungin kung ano ang masasabi niya sa titulo ng bago niyang pelikula, ang Isla Babuyan.

Pagpapatuloy pa ni Jameson, “When you first hear it talaga, it sounds… ano kaya ang mangyayari sa movie? Nakaka-curious lang.

“So ayun, at the same time, like what they said, it’s campy. May mga comedy scene, funny scenes. Ayun, so wait for it.”

Totoong may Babuyan island sa Pilipinas pero hindi roon ang shooting ng kanilang pelikula ng baguhang aktres na si Geraldine Jennings kundi sa Batangas.

Nasa cast ng movie si Lotlot de Leon na anak-anakan namin at nagplano nga kami na sumama sa shoot niya sa Lian pero hindi kami natuloy samahan siya dahil sa conflict sa schedule.

Sa tanong kung gaano ang pagpapaseksi ni Jameson sa movie, hindi niya ito idinetalye para surprise nga naman.

Siguro this time I’m revealing more skin. That’s all I can say,” ang tumatawang paniniyak niya, “siguro, ibang atake ngayon.”

Nagpakita ng puwet at may masturbation scene  sa una niyang pelikula na 2 Cool 2 Be 4gotten noong 2016.

Sa Isla Babuyan, puwede na ba siyang tawaging sexy male actor?

No, no, no. That’s not what I would say na gagawin ko. Well, for this movie, hindi.

“I’m just open to do scenes like that, pero I’m not labeled as a sexy star. Kasi hindi naman ganoon ang packaging ko.

“I like to be more versatile, I like to play boy-next-door roles. At the same time I wanna maybe play darker roles, something different.

“So I want to mix it up, not just in one type cast.”

Makikipagtalbugan ba ng katawan si Jameson kina Dave Bornea at Paolo Gumabao na nasa Isla Babuyan din?

Showdown? Hindi naman nagpa-showdown. Pero siguro, you can put it that way.

“Kasi lahat kami, parang may spot. May spot kaming lahat.”

Tampok din sa Isla Babuyan sina Nathalie Hart at James Blanco at introducing naman si Samantha Da Roza.

Produced ito ng Solid Gold Entertainment Production, screenplay ni Jessie Villabrille, at concept ni Leo Dominguez, Jessie Villabrille, at Bam Salvani.

Line produced ito ni Dennis Evangelista at sa direksiyon ni Abdel Langit.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …