BONGGA ang baguhang Pinay singer, actress and composer na si Ayana Beatruce Poblete dahil ito lamang ang kauna-unahang Filipino na qualify sa Leeds Conservatoire sa United Kingdom bilang international student ambassador.
Sobrang saya at isang malaking karangalan na maging student ambassador ng Leeds Conservatoire dahim nakasama itong nag-performed sa Nest na idinerehe ng National Youth Theaters Artistic Director and CEO Paul Roseby O.B.E.
Isa sa dream ni Ayana ang mapasama sa mga musical play abroad like Miss Saigon at sundan ang yapak nina Lea Salonga, Joanna Ampil atbp..
Habang ang singer na si KZ Tandingan naman ang isa sa gusto nitong maka-collab sa isa sa kanyang sariling komposisyon.
Ngayong taon ay nakatakdang ilabas ni Ayana ang kanyang first album at nakikipag-meeting na siya sa mahusay na composer and record producer, Maestro Vehnee Saturno para sa magiging laman ng kanyang album.
Ilan sa mga nagawa nitong musical play ang The Flood, The Complex Science of Hosting A House Party, Moving Time, Final Craft, Mr. Wilson, HunchBack of Notredome atbp..