Monday , March 16 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kathniel Robi Domingo wedding

Daniel nagmukhang ‘alalay’ ni Kathryn; mukhang tomboy sa bagong hairstyle 

NAGMUKHA raw tomboy si Daniel Padilla sa kanyang bagong hairtsyle.

Ito ang latest na napansin ng mga netizen na tunay namang tinitingnan ang bawat pangyayari sa aktor.

Although parang lalaking Karla Estrada lang naman ang nakita namin or mas bagay sabihing ang hairstyle ngayon ni Karla ang parang naging babaeng Daniel.

Very short at kung sinasabing basehan ng pag-move on ang pagpapagupit o pagkakaroon ng ibang hairstyle, then baka nga nasa ganoong estado ang aktor.

Nakita nating lahat ito noong kasal nina Robi Domingo at Maiqui PIneda na nagmukhang “alalay” ni Kathryn Bernardo si DJ.

At ang nakakaloka pa rito, na-bash si Daniel dahil sa hindi nito pagsunod umano sa dress code ng kasal.

Lahat kasi ng dumalong kaibigan nina Robi at Maiqui, naka-Barong at pormal habang si Daniel lang ang bukod tanging naka-short polo. Hindi na-take ng marami ang awrahan ni DJ na nakabukas ang polo at naka-display ang sando nito na parang isang okasyon lang sa kanto ang pinuntahan.

And yes, ‘yung signature niyang dark glasses ay hindi nawala. Kaya naman na-bash ito ng todo lalo’t noong umapir ito sa isang children’s party, kuntodo pakita ito ng mga mata niya sa isang reading session to prove na namumugto raw ito o malungkot dahil nag-break sila ni Kath.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

The Silent Noise

The Silent Noise Blue Carpet premiere dinumog

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DINAGSA ang star-studded blue carpet celebrity premiere ng bagong seryeng The Silent …

The Age Is Right Eat Bulaga

The Age Is Right ng Eat Bulaga click sa viewers

WALANG masyadong excitement ang bagong segment ng Eat Bulaga na The Age Is Right nang magsimula. Pero habang tumatagal …

Rabiya Mateo

Rabiya Mateo lalayasan na ang showbiz

I-FLEXni Jun Nardo PLANO na ng beauty queen na si Rabiya Mateo na lumayas na sa …

Cecille Bravo Disco Forever D4E

Negosyanteng si Cecille Bravo may pasabog sa dance concert

MATABILni John Fontanilla IBINAHAGI ng businesswoman, Philanthropist na si Ms Cecille Bravo na pinasok na rin ang …

Jillian Ward Eman Bacosa Pacquiao

Jillian blooming dahil daw kay Eman Bacosa

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa social media ang mga larawang ipinost ng Kapuso …