Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Baby Go Atty Topacio One Dinner A Week

Baby Go, Atty Topacio sanib-puwersa sa One Dinner A Week

HARD TALK
ni Pilar Mateo

BAGO magsara ang 2023, isang bonggang pre-New Year party ang inihandog ni Baby Go sa kanyang mga kaibigan sa business sector at entertainment media. 

Busog sa kasiyahan ang lahat ng bisita, hindi lang sa pagkain kundi sa raffle prizes at parlor games, lalo na ang showbiz press.

Pero ang mas lalong ikinatuwa ng lahat ay ang pahayag ni Madam Baby na muling gagawa ng pelikula ang BG Productions Inc. Last time ay nakagawa ang produksiyon ng 17 pelikula na halos lahat ay multi-awarded hindi lang dito sa atin kundi sa iba’t ibang bansa.

May mga naka-lineup na kaming projects. Nakapag-meeting na rin kami ng production staff ko. I can confidently say that we are ready to make movies again this year,” saad pa ni Madam Baby.

Ibinalita rin ng BG Productions matriarch ang collaboration nila ng Borracho Films ni Atty. Ferdinand Topacio para sa pelikulang One Dinner A Week na pagbibidahan nina Edu Manzano, Ritz Azul, at Barbara Milano, mula sa direksiyon ni Lester Dimaranan.

Muli ring bubuksan ni Madam Baby ang kanyang BG Showbiz Plus magazine. “Naniniwala pa rin ako na may market pa din sa print,” aniya.

Present sa party ang mga kaibigan niyang sina Imelda Papin, Atty. Jose Villanueva at ang maybahay nito na si Malou, William Castro ng FFCCCII, at ilang members ng Chinese Chamber of Commerce, mga representatives ng Masagana Partylistt, ang officer ng Pardsss na si Oyette Banayo, at ang line producer ng BG Productions na si Dennis Evangelista.

Of course, in full support din ang mga anak, manugang, at apo ni Madam Baby na sina Jean Go-Marasigan, Patty Go-Gamboa, Pamela Go-Novera, at Jerome Go. 

Naghandog ng awitin sina Aileen Papin, Bamboo Bobadilla, Janah Zaplan, at ang surprise performer ng gabing ‘yon na si Atty. Topacio.

This only happens once a year. Marami pa rin tayong dapat ipagpasalamat, so our party should be memorable,” sabi pa ni Madam Baby.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …