RATED R
ni Rommel Gonzales
PASABOG agad sa 2024 ang latest pasilip sa iconic telefantasya ng GMA Network, ang Encantadia Chronicles: Sang’gre.
Sa teaser na inilabas noong January 1, ang pagsasama-sama ng dalawang henerasyon ng mga Sang’gre. Past meets present ang kanilang peg habang nagkakasiyahan sa isang bar.
Sinimulan ang video ng very hot appearance nina Gabbi Garcia bilang Alena, Sanya Lopez bilang Danaya, Kylie Padilla bilang Amihan, at Glaiza de Castro bilang Pirena. Sinundan naman ‘yun ng grand entrance ng mga bagong Sang’gre na sina Bianca Umali, Kelvin Miranda, Faith da Silva, at Angel Guardian.
Agad na umani ng papuri mula sa netizens ang patikim na ito.
Komento ng ilan sa official Facebook page ng serye, “Superrr excited na talaga akooo!!! Slayeddd in. Modern version! Grabe pasabog! Angas ng teaser!! Ang lakas maka-Gen Z! The characters look great in mortal world. It’s a refreshing scene.”