RATED R
ni Rommel Gonzales
NAGPAPAKAAKTIBO sa showbiz si Rikki Mae Davao, anak nina Ricky Davao at Jackielou Blanco.
Bakit nga ba ngayon lang siya nagdesisyon na pasukin ang showbiz?
Lahad ni Rikki Mae, “Actually growing up po siyempre may mga offer din, noong nasa high school and even grade school, pero sa school kasi namin bawal.
“And I think ‘yung parents ko they really wanted us to finish school first and ako rin naman. And I think iyon, mayroon talagang fear or siguro insecurity na huminto sa akin sa pag-try.
“So ngayon parang, ‘Ayoko na, whatever!’
“Even if takot ka or may insecurity you know, isa lang ‘yung buhay natin, so might as well gawin natin ‘yung gusto nating subukan,” sinabi pa ni Rikki Mae.
Isa pang dahilan kung bakit na-delay ang pag-aartista ni Rikki Mae ay dahil sumubok muna siya ng career sa corporate world.
“I also wanted to try to build my own name in a different industry kaya nasa corporate industry din kasi ‘yung experience ko.
“And I was actually a pre-school teacher first, noong pandemic and before that, kids ages one to six and nag-HR [Human Resource] din ako, I worked for a BPO, corporate communications, so iyon.
“Parang ako lang yata sa family ko ‘yung pumasok sa office,” at natawa si Rikki Mae,
“kaya kapag nagkukuwento ako hindi sila maka-relate.
“Kasi ‘yung ano nila, taping, call time., mga ganoon, iba talaga.”
Sa hosting, bukod sa acting, nais malinya ni Rikki Mae, at iyan ang inaasikaso ngayon ng manager niyang si Rams David ng Artist Circle Management.