PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
WELL, sa pag-amin ni Sharon Cuneta na may kinalaman sa kanyang personal na relasyon kay Kiko Pangilinan sa kanyang naging posts noong holiday season, parang hindi na nagulat ang marami.
Ngayong nagkamabutihan na sila at okey na uli, may mga nagsasabi tuloy na nag-emote lang si Shawie para sa Metro Manila Film Festival entry niya.
“Kaya hindi siya manalo-nalo ng acting award. Kahit sa totoong buhay ay hindi siya convincing at credible,” sey ng bashers ni mega.
Well, idol pa rin namin si mega despite her shortcomings kung shortcoming mang maituturing ang mga ganap niya sa socmed.
Baka lang talaga hindi kilala ng marami ang kakaibang talas, tapang, at emosyon ng isang Sharon Cuneta pagdating sa personal nitong buhay.
This 2024, mayroong tatlong movie projects na nakalatag para kay Shawie. Iba pa ‘yung mga concert here and abroad, kaya let’s bear with her.