Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Baby Go Atty Topacio

Produksiyon ni Ms. Baby Go, muling bibigyang-sigla ang movie industry ngayong 2024

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

ISANG bonggang pre-New Year party ang inihandog ni Ms. Baby Go sa kanyang mga kaibigan sa business sector at entertainment media bago nagtapos ang 2023.

Busog sa kasiyahan ang lahat ng bisita ni Madam Baby, hindi lang sa pagkain kundi sa raffle prizes at parlor games, lalo na ang showbiz press sa pampasuwerteng gift ng lady producer at businesswoman. Pero ang mas lalong ikinatuwa ng lahat ay ang pahayag ni Madam Baby na muling gagawa ng pelikula ang BG Productions Inc.

Nakagawa na ang movie company niya ng 17 pelikula, na halos lahat ay multi-awarded hindi lang dito sa atin kundi sa iba’t ibang bansa.

Kuwento niya, “May mga naka-line-up na kaming projects. Nakapag-meeting na rin kami ng production staff ko. I can confidently say that we are ready to make movies again this year.”

Ibinalita rin ng BG Productions matriarch ang collaboration nila ng Borracho Films ni Atty. Ferdinand Topacio para sa pelikulang ‘One Dinner A Week’ na pagbibidahan nina Edu Manzano, Ritz Azul, at Barbara Milano, mula sa direksiyon ni Lester Dimaranan.

Muli rin daw bubuksan ni Ms. Baby ang kanyang BG Showbiz Plus magazine. “Naniniwala pa rin ako na may market pa rin sa print,” aniya.

Present sa party ang mga kaibigan ni Madam Baby na sina Imelda Papin, Atty. Jose Villanueva at ang maybahay nito na si Malou, William Castro ng FFCCCII, at ilang members ng Chinese Chamber of Commerce, mga representatives ng Masagana Partylistt, ang officer ng Pardsss na si Oyette Banayo, at ang line producer ng BG Productions na si Dennis Evangelista.

Of course, in full support din ang mga anak, manugang at apo ni Madam Baby na sina Jean Go-Marasigan, Patty Go-Gamboa, Pamela Go-Novera, at Jerome Go. Naghandog din ng awitin sina Aileen Papin, Bamboo Bobadilla, Janah Zaplan, at ang surprise performer ng gabing yon na si Atty. Topacio.

Talagang super enjoy ang lahat that night dahil sa ipinakitang pagmamahal ni Madam Baby sa dalawang industriyang kanyang ginagalawan. “This only happens once a year. Marami pa rin tayong dapat ipagpasalamat, so our party should be memorable,” aniya pa.

Kahit na matagumpay na sa kanyang mga negosyo si Ms. Baby, malalim ang pagmamahal niya sa showbiz industry. Kaya naman tunay na inspirasyon si Madam Baby sa kanyang larangan. (Ang mga larawan kay ms Baby Go ay kuha ni Mark Nilo Odiaman).

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Ai Ai delas Alas Empoy Marquez

Ai Ai ayaw manira ng masayang pamilya

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “AYAW kong manira ng masayang pamilya!” Ito ang iginiit ni Ai Ai delas …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …