PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
THIS 2024 naman ay sa bakuran na ng Viva Artists Agency magpapa-manage si Jerome Ponce.
Isa nga si Jerome sa mga dating taga-ABS-CBN na mas piniling magpa-manage sa naturang kompanya dahil ayon mismo sa aktor, mas maraming oportunidad sa gaya niya ang Viva.
May TV series, may online, film, adult site at iba pang mga bagay na nais gawin ni Jerome.
Does this mean na posible na rin siyang sumabak sa mga sexy role gaya ng napapanood sa Vivamax?
Sey nito, “if the role calls for it and if the project has good people why not?,” sabay hirit na mas marami pa ngang de-kalidad na stories and projects ang gaya ng Vivamax, kompara sa iba riyan.