Sa huling sangka na pagsisikap na pigilan ang paggawa, distribusyon at pagbebenta ng mga ipinagbabawal at mapanganib na produkto ng paputok sa merkado na gagamitin para sa pagdiriwang ng Bisperas ng Bagong Taon, ang mga opisyal bayan at ng Philippine Natioal Police ay nagsagawa ng pag-inspeksiyon sa mga tindahan ng paputok sa Bocaue, Bulacan kamakalawa.
Sina PBGeneral Jose S Hidalgo Jr, regional director ng PRO3 kasama sina Bocaue Vice Mayor Atty Sherwin Tugna, PColonel Relly Arnedo, provincial director ng Bulacan PPO at mga tauhan ng Bureau of Fire Protection ay personal na bumisita sa mga tindahan at bodega ng paputok sa may Turo, Bocaue.
Ginagawa ang taunang inspeksyon at auditing upang malaman ng pamunuan ng pulisya kung may mga butas sa kampanya laban sa mga iligal na paputok.
Ito ay upang makatulong din sa kanilang paggawa ng mga estratehiya para maiwasan ang pagdami ng mga ipinagbabawal na paputok at pyrotechnic materials alinsunod sa Republic Act 7183, o isang batas na kumokontrol sa pagbebenta, paggawa, pamamahagi, at paggamit ng mga paputok at iba pang pyrotechnic device.
Sinuri din ni PBGeneral Hidalgo Jr ang mga permit at lisensiya sa pagpapatakbo ng mga dealers ng mga paputok bilang pagsunod sa RA 7183, MO 31 at EO 28.
“Nais kong ipaalala sa publiko na ang mga paputok tulad ng piccolo, watusi, giant whistle bomb, giant bawang, large judas belt, super lolo/thunder lolo, atomic bomb, atomic big triangulo, pillbox, boga, kwiton, goodbye earth, goodbye bading, hello columbia, coke-in-can, kabasi , og, at iba pang other unlabeled at imported na paputok ay ipinagbabawal ng ating batas,” pagdidiing pahayag ni PBGeneral Hidalgo Jr.{Micka Bautista}