Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Tonton Gutierrez Glydel Mercado Richard Gutierrez Sarah Lahbati

Tonton walang alam sa hiwalayang Richard at Sarah

RATED R
ni Rommel Gonzales

SA totoo lang, wala talaga akong alam,” umpisang sinabi ni  Tonton Gutierrez sa pag-uusisa sa kanya tungkol sa isyu ng hiwalayan ng kapatid niyang si Richard Gutierrez at misis nitong si Sarah Lahbati.

Pagpapatuloy pang lahad ni Tonton, “Nagkasama kami ni Richard noong binyagan ang anak ng isang kapatid namin, si Rocky, hindi namin napag-usapan, hindi ko siya tinanong.

“I gave him that respect, I wouldn’t want to ask, wala, so I have no idea.

“I have no idea kung ano man ‘yung…kung mayroon mang hiwalayan or whatsoever.”

Maging ang misis ni Tonton na si Glydel Mercado ay wala ring alam tungkol sa pangyayari.

At saka sinabihan ako ni Glyds, ‘O mayroon akong nakita sa Facebook, ganito lumalabas na Richard or ano’, sabi ko, ‘Hindi ko alam eh.’

“Si Glydel was there also [sa binyagan], hindi naman namin tinanong, wala kaming tinanong sa isa’t isa, kahit sa mga kapatid namin na, ‘O totoo ba?’, wala.

“Respeto lang ‘yun eh. Wala, that’s why I have no knowledge or whatsoever, wala akong alam,” diin pa ni Tonton.

Latest film ni Tonton na ipinalabas sa mga sinehan noong December 13 ang Unspoken Letters na bida ang newbie na si Jhassy Busran.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …