Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Robb Guinto

Robb inisnab offer ng DOM na bahay at lupa

RATED R
ni Rommel Gonzales

INAMIN ni Robb Guinto na naligawan na siya ng dirty old man o DOM.

Ay opo, naligawan na po ako,” bulalas ni Robb.

Kasi po siyempre lumaki ako sa social media eh, so marami rin talaga akong indecent proposals na natatanggap.”

Ano o magkano ang pinakamalaking in-offer sa kanya?

Bahay at lupa,” ang tumatawang rebelasyon ni Robb.

Hindi niya kilala ang naturang lalaki.

Hindi po, nag-DM [Instagram direct message] lang po.”

Hindi niya sineseryoso ang mga ganitong alok.

Hindi naman po, hindi ko po sila sinasagot, at saka baka maging iba pa ‘yung dating ‘pag once na ni-reply-an ko, baka isipin pa na mukha akong pera,” at muling natawa ang Vivamax actress.

Wala naman siyang tinarayan sa mga ito.

Wala naman po, ‘pag ano na lang siguro, ‘pag sobra na, iba-block ko po, para siyempre hindi na rin kami magka-ano ng conversation.”

Pero aminin natin, tempting ang bahay at lupa, so ano muna ang inisip ni Robb pagkatanggap ng naturang indecent proposal?

Wala, kasi ang akin naman po kasi makukuha ko rin naman ‘yun someday, basta mag… talagang magtya-tiyaga at magpupursige ako sa ginagawa ko,” lahad pa ni Robb na nasa Araro ng Vivamax.

Ang iba pang mga kasama ni Robb sa four-part Vivamax series ay sina Matthew Francisco, Arah Alonzo, Dyessa Garcia, Jenn Rosa, Caira Lee, Vino Gonzales, Raffy Tejada, at Ronnie Lazaro.

Ito ay sa direksiyon ni Topel Lee.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Rabin Angeles Angela Muji Jadine

RabGel bagong JaDine ng Viva

I-FLEXni Jun Nardo HAYOP ang unang character sa pelikula ng Viva artist na si Rabin Angeles. Sila ng …

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …