ANIM na personalidad sa droga, isang pugante at dalawang law offenders ang inaresto ng pulisya sa Bulacan sa iba’t ibang anti-criminality operations na isinagawa sa lalawigan kamakalawa, Disyembre 21.
Sa ulat na isinumite kay P/Lt/Colonel Jacquiline P. Puapo, officer-on-charge ng Bulacan PPO, magkahiwalay na buy-bust operation ang isinagawa ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Provincial Intelligence Unit (PIU), Baliwag, San Jose Del Monte, Malolos, at Meycauayan C/MPS kung saan anim (6) na nagtutulak ng droga ang naaresto.
Nasamsam sa operasyon ang dalawampu’t pitong (27) plastic sachet ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price (SDP) na Php 145,900.00, assorted drug paraphernalia at buy-bust money.
Dinala sa Bulacan Provincial Forensic Unit (PFU) ang mga nakumpiskang ebidensiya para sa kaukulang pagsusuri habang reklamong kriminal para sa mga paglabag sa R.A. 9165 laban sa mga suspek ang inihahanda na para sa pagsasampa sa korte.
Samantala, si alyas Elsie, 37, residente ng San Miguel, Bulacan ay inaresto ng mga tauhan ng San Miguel Municipal Police Station {MPS} dahil sa krimeng Slight Physical Injuries.
Ang arestadong akusado ay kasalukuyang nasa kustodiya ng arresting unit/stations para sa tamang disposisyon.
Sa kabilang banda, nirespondehan ng mga awtoridad ng Pandi at Bulakan MPS ang magkasunod na insidente ng krimen na nagresulta sa pagkakaaresto sa dalawang (2) lumabag sa batas.
Sila ay kinilalang sina alyas Romy, 33, residente ng Brgy. Encanto, Angat, Bulacan na inaresto ng mga tauhan ng Pandi MPS at alyas Piwog, 21, residente ng Brgy. Pitipitan, Bulakan, Bulacan na arestado naman ng Bulakan MPS) sa parehong kaso ng Acts of Lasciviousness. (MICKA BAUTISTA)