Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ysabel Ortega Noreen Divina Nailandia Firefly

Ysabel isinantabi muna ambisyong maging abogada

RATED R
ni Rommel Gonzales

DAHIL nahirapan sa pagbabalanse ng oras sa pag-aartista at pag-aaral ng kursong Law, nagdesisyon si Ysabel Ortega na ipagpaliban muna ang kanyang ambisyong maging abogada at ibinaling ang atensiyon sa pagnenegosyo.

Tiyempo namang nakilala ni Ysabel si Noreen Divina na may-ari, kasosyo ang mister na si Juncynth Divina, ng Nailandia spa and nail salon chain.

Mahilig kasi si Ysabel, katulad ng maraming babae (at lalaki) na magpalinis at magpaganda ng mga kamay at paa kaya ang madalas na pagpunta ni Ysabel sa Nailandia ay nauwi sa pagkakaroon niya ng sariling branch kasosyo sina Elle Villanueva at Sophia Señoron.

Sa ganitong paraan din naman naitayo ni Noreen ang Nailandia, sa hilig magpa-manicure/pedicure at foot spa. Biniro siya ni Juncynth na magtayo ng sariling nail salon, and the rest is history. Nagkalat na sa buong Pilipinas ang branches ng Nailandia.

Going back to Ysabel, bukod sa Nailandia, may bakeshop na rin ang batang aktres kasosyo naman ang inang si Michelle Ortega.

At bilang aktres, kasama si Ysabel sa Firefly na sa ngayon ay isa sa nakatatanggap ng positive reviews among the Metro Manila Film Festival entries this December 25.

Kahit sinong makausap namin na napanood na ang pelikula sa special premiere nito ay nagkakaisa sa pagsasabing maganda ng pelikula at napakahusay ng mga bidang sina Alessandra de Rossi at child actor Euwenn Mikaell. Sa direksiyon ni Zig Dulay.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …