Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Lotlot de leon Janine Gutierrez WIMYIT

Lotlot never nakialam sa personal na buhay ni Janine

RATED R
ni Rommel Gonzales

KAMI mismo ay walang makuhang impormasyon mula kay Lotlot de Leon tungkol sa mga isyu tungkol kina Janine Gutierrez at Paulo Avelino. Kahit never namang umamin sina Janine at Paulo kung may relasyon nga sila ay patuloy ang usap-usapan na break na ang dalawa.

Nagpapakatotoo lamang si Lotlot sa pagsasabing walang ikinukuwento sa kanya si Janine at si Lotlot, ni minsan, ay hindi nakialam o nagtanong tungkol sa personal na buhay ng kanyang mga anak. 

Ang katwiran ng aktres, malalaki na ang kanyang mga anak, may mga sarili na silang pag-iisip kaya alam na nina Janine, Jessica, Diego, at Maxine Gutierrez kung ano ang tama at kung ano ang mali.

Tulad din sa tanong kay Lotlot kung ano ang best advise sa kanya ng ama niya, ang Philippine Drama King na si Christopher de Leon, wala raw siyang maalala. Alam naman kasi ng daddy niya na nasa tamang pag-iisip si Lotlot kaya alam na niya kung paano haharapin ang kanyang personal na buhay at ang kanyang showbiz career.

Speaking of showbiz career, magkasama sina Lotlot at Papa Boyet sa When I Met You In Tokyo, official entry sa Metro Manila Film Festival ngayong December 25.

Female lead sa movie ang Star For All Seasons na si Ms. Vilma Santos at tampok din sina Cassy Legaspi at Darren Espanto, ang mag-asawang Tirso Cruz III at Lyn CruzGabby Eigenmann, Kakai Bautista, John Gabriel, at Gina Alajar. Sa direksiyon nina Rommel Penesa at Rado Peru, mula ito sa JG Productions

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …