Friday , January 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bulacan Police PNP

17 pasaway sa Bulacan tinalangkas sa selda

LABIMPITONG indibiduwal na pawang lumabag sa batas ang sunod-sunod na naaresto sa iba’t ibang anti-criminality operations na isinagawa ng pulisya sa Bulacan kamakalawa.

Sa ulat na ipinadala kay P/Lt. Col. Jacqueline P. Puapo, officer-in-charge ng Bulacan PPO, magkahiwalay na buybust operation ang isinagawa ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Sta. Maria at Obando municipal police stations na pitong drug peddler ang naaresto.

Nasamsam sa operasyon ang tatlong plastic sachet ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price (SDP) na P8,160, dalawang plastic sachet ng tuyong dahon ng marijuana na may P960 SDP, assorted drug paraphernalia at buybust money.

Dinala sa Bulacan Provincial Forensic Unit (PFU) ang mga nakompiskang ebidensiya para sa kaukulang pagsusuri habang ang reklamong kriminal para sa mga paglabag sa R.A. 9165 laban sa mga suspek ay inihahanda para sa pagsasampa ng kaso sa korte.

Samantala, ang tracker team ng Meycauayan, San Jose Del Monte, Sta. Maria, at Plaridel C/MPS ay arestado ang apat na wanted na personalidad na may mga nakabinbing kaso sa hukuman.

Kinilala ang ang mga akusadong  sina Melnel Ibe, arestado sa Simple Theft; Glenn Llaneta, Lascivious Conduct; Marc Dilbert De Guzman, Slight Physical Injuries; at Rommel Llamas, panggagahasa.

Ang lahat ng arestadong akusado ay kasalukuyang nasa kustodiya ng kani-kanilang arresting unit/stations para sa kaukulang disposisyon.

Bukod dito, ang mga awtoridad ng Sta. Maria, Bulakan, Baliwag, at Hagonoy MPS ay nagresponde sa iba’t ibang insidente ng krimen na humantong sa pagkakaaresto sa anim na lumabag sa batas.

Kinilala ang mga akusado na sina alyas Ofelia, 46, residente sa Brgy. Tumana, Sta. Maria, sa kasong Qualified Theft; alyas JR, 30, residente sa Brgy. San Jose, Patag, Sta. Maria; at alyas Jerome, 24, residente sa Balubad, Bulakan, kapwa arestado sa kasong Acts of Lasciviousness: alyas Susan, 45, residente sa Candaba, Pampanga dahil sa pagnanakaw; at alyas Glenn, 19, residente sa Hagonoy, Bulacan sa kasong Physical Injuries. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …

Nicolas Torre III MMDA

Gen. Nicolas Torre III bagong MMDA GM, ops chief at tagapagsalita ng ahensiya  

MALUGOD na tinanggap ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) si Undersecretary Nicolas Torre III bilang …

explosion Explode

Kabahayan, mga bus nasira dahil sa pagsabog ng ‘deadly firecracker’; 4 timbog, 1 pa pinaghahanap sa Bulacan

NAARESTO ng mga awtoridad nitong Sabado, 3 Enero, ang apat na kalalakihan habang hinahanap ang …