Friday , November 22 2024
Piolo Pascual Mallari

Janella Salvador, hindi nakatanggi kay Piolo Pascual!

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

SI Janella Salvador ang leading lady ni Piolo Pascual sa pelikulang Mallari, isa sa sampung official entries sa 49th Metro Manila Film Festival (MMFF) na magsisimula sa December 25, 2023. 

Aminado si Janella na gusto raw sana niyang magpahinga muna sa paggawa ng horror films. Medyo nata-type cast na kasi ang aktres sa ganitong genre.

Ang unang MMFF entry ni Janella ay Haunted Mansion noong 2015 at nasundan pa ito ng Bloody Crayons at ng Killer Bride.

Aniya, “Sabi ko sa sarili ko, parang gusto ko munang magpahinga sa horror. Medyo nata-typecast na kasi ako sa horror. My first film was ‘Haunted Mansion’ it was a horror, I did ‘Bloody Crayons’ na isa ring slasher film, and then ‘Killer Bride’ na horror din.

“So parang nagtutuloy-tuloy na, kaya sabi ko gusto ko muna sanang magpahinga.”

Pero nang ialok daw sa kanya ang Piolo Pascual starrer na Mallari ng Mentorque Productions ni Bryan Dy, hindi raw nakatanggi ang aktres.

Pagbabalik tanaw ni Janella, “Pero as soon as I read the script, sabi ko, this is something na hindi ko puwedeng palagpasin. It’s so well-written. It’s very detailed and beautifully written.

“Kinabahan ako nang slight kasi hindi ko lang makakatrabaho rito si Papa P, partner ko pa siya rito. Kinabahan ako pero I couldn’t let it pass,” nakangiting sambit pa niya.

Mapapanood sa pelikulang Mallari ang kakaibang pagganap ng bida ritong si Piolo. Bahagi rin ng cast sina Gloria Diaz, Mylene Dizon, JC Santos, at Elisse Joson. Nasa cast din sina Ron Angeles, Vangie Labalan, Bart Guingona, Raffy Tejada, Tommy Alejandrino, Angeli Sanoy, Angie Castrence, at Erlinda Villalobos.

First time gaganap sa ganitong genre si Piolo at ibang klaseng horror film ang Mallari. Makikita rito ang sakop na tatlong era ng pelikula at ang magaling na transformation ni Piolo sa tatlong katauhan na ginagampanan niya rito.

Ang Mallari ay inspired by true events ng Filipino priest na si Father Juan Severino Mallari mula 

sa Pampanga. Sinasabing pumatay si Father Mallari ng 57 katao noong 1816-1826. Nakulong ang sinasabing killer priest nang 14 taon, bago binitay noong 1840.

Ang pelikula ay pinamahalaan ni Direk Derick Cabrido at mula sa panulat ni Enrico Santos.

Anyway, ang Warner Bros., Pictures ang distributor ng Mallari. Naganap ang partnership sa pagitan ng Hollywood film studio na Warner Bros. at ng Filipino film company na Mentorque Productions last month.

Dahil dito, sinasabing magiging ka-level ng pelikulang ito ni Piolo ang Hollywood movies na “Willy Wonka” at “Aquaman” dahil ang Warner Bros. din ang nag-distribute sa mga ito.

Ang bida ritong si Piolo ay proud sa pag-entra ng Warner Bros. Pictures sa kanilang proyekto.

Wika ng aktor, “When I saw the logo of Warner Bros. I was like, ‘Puwede pala, posible pala.’ I’m really ecstatic, to be given this chance to showcase Philippine Cinema and have Warner Bros. as a partner not only here in the Philippines, but to be shown abroad, malaking responsibility na ‘yung ike-carry mo na iyon.

“And at the same time it’s not just an honor but a privilege to be part of something this big, to be tapped by Warner Bros., kasi siyempre brand iyan, e. But it just gives a certain sense of international brand to do it. So we’re really happy and honored to be in this partnership,” pakli ni Piolo.

About Nonie Nicasio

Check Also

John Arcenas IDOL The April Boy Regino Story

John humanga sa sobrang makapamilya ni April Boy

RATED Rni Rommel Gonzales UNANG lead role ni John Arcenas ang pagganap bilang yumaong music legend na …

Malou de Guzman Silay Francine Diaz

Malou de Guzman sa pagbibida: sinong aayaw doon

RATED Rni Rommel Gonzales SA tagal niya sa industriya, halos apat na dekada, sa wakas …

Kang Mak

Kang Mak a feel good horror-comedy

HARD TALKni Pilar Mateo NGAYON lang ako in a long time, natawa ng tawang-tawa. At …

Kathryn Bernardo Alden Richards Cathy Garcia Molina Sampana Hello Love Again

Hello, Love, Again patuloy na tumatabo,  world premiere sa US, Canada, Dubai kasado na

MA at PAni Rommel Placente PANIBAGONG history na naman ang naitala ng pelikulang Hello, Love, Again. …

Enrique Gil

Bagong serye ni Enrique sa Europe kukunan

MA at PAni Rommel Placente MAGIGING masaya ang mga faney ni Enrique Gil dahil sa wakas ay …