Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Christian Bables

Christian wala sa plano ang mag-ober da bakod

RATED R
ni Rommel Gonzales

MAY tsansa kaya na lumipat si Christian Bables sa GMA?

Ang manager kasi ni Christian, si Tito Boy Abunda ay nasa GMA na at umaariba sa ratings ang Fast Talk With Boy Abunda nito.

I’m being co-managed by Kate Valenzuela of KreativDen Entertainment,” sinabi ni Christian.

And since si Tito Boy ay nasa GMA na, lilipat na rin ba si Christian sa GMA?

For now, wala pang ganyang usapan,” lahad ni Christian.

“Wala pang ganyang plano because mayroon akong mga coming show sa ABS, sa Kapamilya Network, so for now wala pa.”

Pero sakaling sabihin ni Tito Boy at ni Kate na ililipat siya sa GMA, ano ang magiging reaksyon niya?

Okay naman… I’m not closing any doors sa kahit anong network, for as long as I will feel valued, siguro game ako.”

Nakapagtrabaho na dati si Christian sa GMA.

Series lang, ‘yung ‘Magpakailanman,’ isa lang.”

Kung malilipat nga siya sa GMA, sino ang nilu-look forward niyang makatrabaho?

Siguro si Jennylyn Mercado, dahil mahusay umarte.”

Hindi pa niya nakakatrabaho si Jennylyn pero na-meet na niya ang aktres sa personal.

“Yes, nagkasabay yata ‘yung pelikula namin sa isang festival, na-meet ko siya, nakita ko siya from afar, pero hindi kami nagkausap.

Lahad pa ni Christian, “Sa lalaki, Dennis Trillo or Paolo Contis, magaling umarte pareho, si Kuya Dingdong din, si Ms. Marian din.”

Isa raw sa papanoorin ni Christian sa Metro Manila Film Festival sa Pasko ang Rewind nina Marian Rivera at Dingdong Dantes.

Pero siyempre uunahin ni Christian na panoorin ang Broken Hearts Trip, ang entry niya   sa MMFF.

Nasa pelikula rin sina Teejay Marquez, Iyah Mina, Petite, Jay Gonzaga, Andoy Ranay, Marvin Yap, Ron Angeles at si Ms. Jaclyn Jose.

Sa direksiyon ni Lemuel Lorca at sa produksiyon ng BMC Films and Smart Films, mistula rin itong isang travel documentary dahil iikutin ng Broken Hearts Trip ang magagandang lugar sa Pilipinas tulad ng Mount Banahaw sa Lobo, sa Batangas, ang Kawasan Falls sa CebuPagudpud sa Ilocos Norte, at ang isang magandang ilog sa MagdalenaLaguna.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …