Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Vilma Santos Christopher de Leon

Ate Vi at Boyet magbebenta ng tiket

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

BUKAS December 21,  4:00 p.m. ay magbebenta naman ng tickets sina Vilma Santos at Christopher de Leon kasama ang cast ng When I Met You in Tokyo.

Lahat ng may Metro Manila Film Festival (MMFF) entries ay binigyan ng pagkakataon na mag-advance ticket selling gaya ng ginawa na dati nina Kathryn Bernardo sa A Very Good Girl o Alden Richards-Julia Montes sa Five Breakups and a Romance.

Naka-iskedyul din sina l Sharon Cuneta at Alden uli, plus ang iba pang may entry.

Excited ang ating dearest idol-friend kumare dahil first time rin niya itong gagawin sa loob ng anim na dekadang nag-re-reyna siya sa showbiz.

Sa sipag nga ni Ate Vi ay nagkasakit na ito pero nitong medyo umo-okey na siya, muli siyang mag-iikot sa mga sinehan for this.

Maganda itong pagkakataon para sa pagsisikap ng lahat na maibalik nga ang mga pila ng tao sa mga sinehan.

Kaya naman ang mga kapwa Vilmates at Vilmanians ay nagkaisang magpakitang puwersa muli though mayroon na silang mga naorganisang block screenings come Dec. 25-26 and 27 sa iba’t ibang mga sinehan sa Metro Manila plus nearby provinces.

Tara na mga Gen Z at Vilmates-Vilmanians!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …