PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
TUWANG-TUWA kami sa tila happy family picture nina Marco Gumabao at Cristine Reyes kasama ang daughter ng aktres sa championship game ng volleyball sa Araneta Coliseum last Saturday.
Siyempre playing supportive brother si Marco sa mahusay at maganda niyang sister na si Michelle who plays for Creamline team (sila ang nag-champion kontra Choco Mucho).
Nagkabatian kami at nag-hi-hello habang may ilang fans na pinagbigyan nilang maka-picture.
Larawan ng masayang couple ang dalawa at mukhang aliw na aliw ang bagets kay Marco lalo’t ito pa ang personal na may bitbit ng snacks nila papunta sa kanilang mga upuan.