Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sta Maria Magnificent Eagle Club

Pagbibigayan at pagmamahalan ang kahulugan ng Pasko sa Pamilya Jover at sa Sta.Maria Magnificent Eagle Club

PARA sa mga Pinoy, ang kahulugan ng pasko ay pagbibigayan at pagmamahalan, at ang araw na ito ay mahalaga sa mga Katoliko sapagkat naniniwala sila na ang Pasko ay ang araw ng kapanganakan ni Hesukristo.

Ang Pasko ay ipinagdiriwang tuwing December 25, taon-taon, at simula December 16 ay nagsisimula na ang Simbang Gabi sa mga katoliko bilang paghahanda sa darating na kapaskuhan.

Na kung nakumpleto na ang Simbang Gabi ay may nagsasabi na puwede ng humingi ng anumang kahilingan na nais mo at ito ay matutupad.

Hindi naman masamang maniwala sa anumang kasabihan, ang mahalaga ay may mabuti itong naidudulot pagkatao nino man at mas nagiging mabuting nilalang at nagiging mabuting halimbawa sa kapuwa.

 Tuwing pasko ay marami ang nasisiyahan lalo na ang mga bata, sapagkat ito na ang araw na makapupunta sila sa kanilang mga ninong at ninang at dito na rin sila nakatatanggap ng ibat-ibang regalo mula sa mga taong nagmamahal sa kanila.

Masayang araw din ito para sa buong pamilya sapagkat dito ang aral na nakukumpleto sila, kung minsan nga sa araw ng pasko itinataon nila nag reunion o ang pagsasama sama ng buong pamilya upang magkamustahan, at makipagbalitaan sa bawat isa. at magpakita ng pagmamahalan sa bawat isa.

Kaya naman ang Sta.Maria Magnificent Eagle Club sa pangunguna ng kanilang Pangulong si Solomon Jover at maybahay na si Ate Lorie Jover kasama ang kanilang mga anak na sina Pierre Samuel, Sherry May Clacio at Jhon Caliv Jover ay nagkaloob ng Regalong Handog sa mga miyembro ng Sta.Maria TMU at mga barangay tanod ng Brgy. San Vicente, sa kanilang tahanan sa Gulod, San Vicente, Sta.Maria, Bulacan nitong nakaraang Disyembre 17.

Nasa 300 bags ng tig-5kls bigas at 300 supot ng grocery ang kanilang ipinamahagi sa tulong ng mga ng board of director Kuya Lt.Col. Aldrin Thomson, Kuya Cris Atilano, Kuya Crisanto Atilano, Ate Anne Ceslynne Atilano, Ate Jenny Larga ,Ate Micka Bautista, Secretary Kuya Rommel Manuzon, Kuya Butch Sebastian, Grievance, Membership Committee Kuya Edgar Taguiam, Ate Annie Villano, Kuya Albert Calosa,Kuya Mauro S. Villano, Pssg. Kuya Christopher Baltazar. Mabuhay ang Agila.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …