Tuesday , January 6 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Dingdong Dantes Marian Rivera NWOW

Marian at Dingdong proud sa anak na si Sixto 

ni Allan Sancon

BONGGA talaga ang blessings ng mag-asawang sina Dingdong Dantes at Marian Rivera ngayong December 2023 dahil bukod sa kasali ang kanilang pelikula sa Metro Manila Film Festival ngayong taon ay sila ang napiling 1st Brand Ambassadors ng NWOW Philippines kasama ang kanilang bunsong anak na si Sixto Dantes.

Ang NWOW Philippines ay ang kompanya na gumagawa ng mga dekalidad at magagandang klase ng electronic bike (e-bike) sa Pilipinas. Layunin ng kompanya na maka-provide ng mga makabagong energy electronic vehicles sa bansa.

Natuwa naman ang pamilya Dantes, lalo na sina Marian at Dingdong na sila ang napili ng NWOW Philippines na mag-endoso ng kanilang mga e-bike. Proud sila sa kanilang anak na si Sixto na kasama nila bilang endorser.

Ito ang paraan nila para mas lalong magkaroon ng bonding ang kanilang pamilya sa pamamagitan ng pagsakay sa e-bike kasama ang kanilang dalawang anak na sina Xia at Sixto. Tiyak matutuwa ang dalawang bata sa pagsakay sa NWOW E-Bike dahil sa ganda nito at very safe namang sakyan ng mga bata.

Maging si Marian ay kayang i-drive ang e-bike na ito dahil sa pagiging users-friendly nito.

Bago matapos ang press conference ay may paalala si Dingdong sa lahat na maging safe  sa pagda-drive ng e-bike lalko na kung kasama ang kanilang pamilya.  

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Allan Sancon

Check Also

GMA ABS-CBN TV5

TV5, GMA, ABS-CBN game na game sa labanan

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXCITING nga ang TV network wars this 2026. Sa aminin man …

MMFF 2025 Movies

MMFF entries bigong maabot bilyong kita sa takilya

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HAPPY New Year mga Ka-Hataw. Nakaka-sad naman ang balitang five days …

Innervoices

Innervoices tropeo ang mga kanta

HARD TALKni Pilar Mateo TROPEO! ANG iba ansabe sa basurahan daw ang tuloy. Kasi, ayaw …

Rouelle Carino Matt Monro Michele Monro

Rouelle Carino binati ng anak ni Matt Monro

I-FLEXni Jun Nardo GALING naman ng Eat Bulaga na mahingian ng video greeting ang anak ni Matt Monro para …

Janus del Prado Carla Abellana cake

Janus anong problema kay Carla? 

I-FLEXni Jun Nardo MATAPOS paglaruan ni Janus del Prado ang wedding cake ni Carla Abellana na nag-viral, ngayon parang …