Wednesday , May 14 2025
Jabo Michael V

Jabo Allstar, saludo sa super-idol niyang si Michael V.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

PASOK ang kasabihang kapag may tiyaga, may nilaga para kay Jabo Allstar. Matagal din kasi siyang naghintay sa pagdating ng magandang kapalaran sa kanya sa mundo ng showbiz, at ngayon ay dumating na ito.

Natatawang nabanggit nga niya na ang bansag sa kanya noon ay ang Pinakamagaling na Extra sa Buong Pilipinas.

Pero ngayon, bukod sa ganap na contract artist na siya sa Viva ay may mga regular shows na rin si Jabo.

Kabilang dito ang  Cayetano in Action with Boy Abunda na napapanood every Saturday sa GTV and sa GMA-7 tuwing Sunday sa anap na 11:00 PM.

Si Jabo ay bahagi rin ng sitcom na Pepito Manaloto na pinagbibidahan nina Michael V. at Manilyn Reynes. Ito ay napapanood naman every Saturday, 7pm, sa Kapuso Network.

Nabanggit niya kung kailan at paano naging bahagi ng Pepito Manaloto.

Aniya, “Nakasali ako sa Pepito Manaloto noong June lang,  I think… as  guard po yung role ko. Guard po sa office ni kuya Bitoy, kaya ayun po, kapag may mga kaguluhan na role, pumapasok po ako lagi, hehehe.”

“Bale, tinawagan lang po ako ng taga-GMA-7 po para po sa role ko rito,” dagdag na esplika pa ni Jabo.

Nasabi rin niya kung ano ang pumasok sa isip niya nang naging part ng show ni Michael V.

Nakangiting sambit ni Jabo, “Siyempre po big blessing po sa akin iyon, lalo na at work po yun and siyempre po big blessing po na maka-work si kuya Bitoy and other casts, like sila Jhake Vargas… Plus, ang babait kasi ng prod, sobra po. Kaya sobrang masaya talaga ako.”

Diretsahan din niyang sinabi na idol niya si Bitoy kaya ibang klaseng saya nang napasali siya sa show nito.

“Si kuya Bitoy po idol ko po talaga, ang galing po kasi niyang magpakuwela at mang-impersonate. Sobrang taas ng sense of humor niya,  ang galing magpatawa, talagang matatawa ka roon. Isang galaw pa lang kapag nagpatawa siya, iba po talaga.

“Kaya super-idol ko po si Kuya Bitoy and salute kay kuya Bitoy, boss Bitoy… iba talaga ang husay po niya sa comedy,” masayang sambit pa ni Jabo.

Saan niya gustong malinyang genre o role?

“Siyempre po gusto ko talaga ay comedy-hosts, ganoon po, katulad ni Vice Ganda. Actually di ko po akalain talaga na parang nagiging hosts din po ako. Talagang… iyong hindi mo aakalain na role, iyon pala ang gagampanan mo at yun ang pagho-host po.”

Ano ba ang kanyang dream role talaga?

Pahayag niya, “Ang dream role ko po ung maka-love triangle ko sina Kathryn (Bernardo) and Nadine (Lustre)…

“Iyon pong tipong pinag-aagawan nila ako na sa tingin nila ang guwapo guwapo ko… Ganoon po ung dream ko talaga, kagaya ng kay Andrew E, po. Na puro magaganda ang leading lady niya, iyon po talaga ang dream role ko po,” sambit pa niya.

About Nonie Nicasio

Check Also

Chuckie Dreyfus Boy Abunda

Chuckie inamin nakaapekto tsismis na bading siya noon

MA at PAni Rommel Placente USAP-USAPAN noon sa mundo ng showbiz na bading ang dating …

Lotlot de Leon Nora Aunor

Lotlot pinasalamatan fans na bumibisita ara-araw sa puntod ni Nora

MA at PAni Rommel Placente ANG mga tagahanga ni Nora Aunor, na mga Noranian, ay araw-araw  pa …

Fyang Smith JM Ibarra Nova Villa Bodjie Pascua Ces Quesada Sylvia Sanchez Picnic Nathan Studios

Nova sa Picnic: a dramatic movie na may lesson sa ating pamilya

RATED Rni Rommel Gonzales NAIRAOS na natin ang pagboto sa eleksiyon ngayong 2025, kaya manood …

Fyang Smith JM Ibarra Nova Villa Bodjie Pascua Ces Quesada Sylvia Sanchez Picnic Nathan Studios

Sylvia trailer pa lang ng Picnic na-magnet na

RATED Rni Rommel Gonzales MAY tila kung anong atraksyon kay Sylvia Sanchez ang Korean movie na Picnic. Trailer …

Rabin Angeles

Rabin Angeles madalas naglalakad patungong Viva

RATED Rni Rommel Gonzales ANG buhay ay parang gulong na umiikot. Kung dati ay nasa …