HARD TALK
ni Pilar Mateo
NAGPATIKIM ng kanyang musika si Ryan Gallager nang masalang ito as guest sa show ni Ice Seguerrapara kay Fernan de Guzman, pangulo ng PMPC (Philippine Movie Press Club). Nagbigay ng song number in Tagalog si Ryan (Kahit Isang Saglit) at ang kanyang ipino-promote na single na The Feeling of Christmas. Enjoy ang audience ng Clownz Republic kay Ryan.
Dahil sa common friends, at sabihin ng serendipity na rin, nag-krus ang landas nila ni Liza Diño na partner ni Ice. Kaya ngayon ay nasa kalinga na siya ng Fire and Ice Productions ng mag-asawa. May naging manager na rin noong una si Ryan. Pero natapos na ang pag-aalaga sa kanya nito.
Marami pang Pamaskong awitin si Ryan na ginawa niya na umiikot sa feelings of Christmas. At iba pang mga hugot niya.
Instant hit nga si Ryan, when he spent time with the members of the media recently.
Nasa social media platforms na ang kanyang danceable tune na The Feeling of Christmas kaya hindi malayong sa mga susunod ding Pasko o maski pa kahit hindi Pasko na dapat nagmamahalan ang lahat, magiging hit ang awit ng isang banyaga na itinatak na sa puso ang pagiging Pinoy. At wala siyang reklamo!
Naisip ng mga kaharap na baka naman may Pinay na nagpapatibok na ng puso ni Ryan kaya ginagawa na niyang tahanan ang bayan ni Juan.
Focus daw muna siya sa pinasok niya at kinagigiliwang mundo ng musika sa ating bansa. Mayroon siyang special friend. Pero wala sa scheme of things nila na i-prioritize ang lovelife o pagkakaroon ng relasyon. Ayan! Nabuhayan ng loob ang mga kasama ko!
Sigurado very soon, may show o concert ng ima-mount ang Fire and Ice for Ryan. That’s the spirit!
Christmas or not, masarap ding makapakinig ng isang angelic voice na umaawit ng mga pinasikat na kanta nina Martin Nievera at OPM artists natin.
Kapag nag-collab na sila ni Ice, siguradong magsasalo rin sila sa mga piyesang pagtutulungan nilang isulat at gawin.
Naka-dueto na ni Ryan ang iba nating artists like Lea Salonga. Nasaliwan na ng orkestra sa kumpas ni Gerard Salonga.
Nasa bayan ni Juan na ang banyaga. Ang Classical singer mula sa The Voice ng Amerika. All set to capture the hearts of now, his kababayans!
Ang tatas na ring mag-Tagalog, ha? At makaintindi ng ating salita. Kaya kapag kakanta siya ng Tagalog, he makes sure na hindi lang enunciation ng mga salita ang babantayan niya kundi ang puso sa inaawit niya. Kahit pa tongue-twister sa simula para sa kanya. He makes it a point to make the message of the OPM song come across sa kanyang Pinoy listeners.
That’s the spirit! That’s the feeling. May isa na namang na-capture ang puso ng Pinoy!