Monday , December 23 2024
Bulacan California

Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan, State of California, pinatibay ang sisterhood relationship sa pamamagitan ng mga resolusyon

MAAARI nang makamit ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan at State of California ang benepisyo ng pagpapalitan sa larangan ng edukasyon, ekonomiya, at kultura sa pagpiprisinta ng dalawang panig ng resolusyon bilang suporta sa kanilang sisterhood relationship sa Marco Polo Hotel Ortigas, Manila kamakalawa ng gabi.

Noong Agosto 2023, ipinasa ng California Senate ang Senate Concurrent Resolution No. 57 na iniakda ni Senador Anthony Portantino na nagpapahayag ng imbitasyon sa Lalawigan ng Bulacan upang makiisa sa California sa isang sister state relationship upang mapayabong ang pag-unlad at mapabuti ang internasyunal na pang-unawa at mabuting kalooban sa pagitan ng dalawang rehiyon.

Inilahad ni Arch. Editha M. Fuentes, tagapangulo ng City Planning Commission ng City of Glendale, California, kung paanong nakakuha ng unanimous vote na “Yes” mula sa lahat ng senador na dumalo sa presentasyon ang panukalang batas.

“This recognition affirms the many contributions of the Filipino-Americans to the history of culture and achievements in California and the United States. We appreciate the chance to further our friendship and relationship with California and the Province of Bulacan. I look forward to the many years of the great sister-province relationship,” ani Fuentes.

Bilang tugon, ipinasa ng Sangguniang Panlalawigan ang SP Resolution No. 538-S’2023 na nilagdaan ni Gobernador Daniel R. Fernando at Bise Gob. Alexis C. Castro na nag-aapruba at tumatanggap sa partnership sa pagitan ng Bulacan at California.

Ayon kay Castro, ang kaganapan ay isang tunay na pagpapakita ng kanilang pagpayag na pasiglahin ang pagkakaunawaan sa isa’t isa sa mga inaasahang gawain sa loob ng mga larangan ng kalakalan at turismo at umaasa siya para sa patuloy na pagpapalitan ng mga ideya at mga natutunan sa pamumuno.

“With the leadership of our People’s Governor Daniel R. Fernando, together with the whole Provincial Council, our hopes are high that our international relations facilitate many developments in various fields,” anang bise gobernador. (Micka Bautista)

About Micka Bautista

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …