Friday , November 15 2024
DSWD Tahanang Mapagpala bulacaN

DSWD, kinilala ang Tahanang Mapagpala sa Bulacan bilang isa sa 10 outstanding social work agencies sa bansa

BILANG resulta ng kanilang mahalagang kontribusyon sa lipunan, kinilala ng Department of Social Welfare and Development ang Tahanang Mapagpala ng Immaculada Concepcion Foundation, Inc. mula sa Lungsod ng Malolos bilang isa sa 10 Outstanding Social Work Agencies (SWAs) and Auxiliary Social Welfare and Development Agencies (SWADAs) sa bansa sa isinagawang awarding ceremony nito sa SM City Novaliches, Quezon City kamakalawa.

Sa kanilang pangunahing layunin na magbigay ng tahanan at pangkalahatang suporta sa mga nakatatandang kababaihan na napabayaan, naghihirap, walang tirahan, disadvantaged o may may karamdaman, ang Tahanang Mapagpala ay isang center-based na institusyon na kaanib ng Diocese of Malolos na pinamamahalaan ng Sisters of the Divine Shepherd (SDS).

Samantala, tumanggap ang lahat ng mga pinarangalan ng plake at P50,000 halaga na cash incentive at kabilang sa mga ito ay ang Little Children of the Philippines Foundation, Inc.; Unbound-Zamboanga Project Foundation, Inc.; Kasanag Daughters Foundation, Inc.; at ang Mahintana Foundation, Inc. para sa Outstanding SWAs habang ang pinarangalan naman sa Outstanding Auxiliary SWADAs ay ang Child’s Trust Is Ours To Nurture (ACTION), Inc.; Negrosanon Young Leaders Institute, Inc.; IPI Foundation, Inc.; Living New Philippines, Inc.; at ang University of the Philippines Medical Alumni Foundation, Inc. (UPMAF).

Sa kanyang bating pagtanggap, inialay ni Gladys Sta. Rita, pangulo ng Tahanang Mapagpala ng Immaculada Concepcion Foundation, Inc., ang pagkilala sa mga isponsor, benepisyaryo, manggagawa at tauhan ng foundation.

“Malaking bagay po ang napakahalagang pagkilalalang ito na may bonus pang P50k financial incentive sa mga nanalo. Nakakataba po ito ng puso sa aming lahat bagama’t nagtratrabaho po tayo ng kusang loob at walang hinihintay na kapalit. Salamat sa mga lola ng Tahanang Mapagpala, nang dahil sa kanila ay nabigyang pagkakataon kami na makapaglingkod sa Panginoon,” ani Sta. Rita.

Naitatag ang Tahanang Mapagpala ng Immaculada Concepcion Foundation Inc. noong 2001 ng Senate Spouses Foundation Inc. sa pangunguna ng dating pangulo nitong si Lourdes LL. Pimentel at yumaong dating Project Chairperson Susana B. Ople. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

La Consolacion College Fire

Sa Mendiola, Maynila  
LA CONSOLACION NASUNOG EMPLEYADO SUGATAN

SUGATAN ang isang empleyado sa sunog na tumupok sa La Consolacion College, sa Mendiola St., …

Motorsiklo sinikwat tirador natunton sa mga kuha ng CCTV

Motorsiklo sinikwat ‘tirador’ natunton sa mga kuha ng CCTV

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang lalaki matapos nakawin ang isang nakaparadang motorsiklo sa Sta. …

Carlwyn Baldo

Kalusugan nalagay sa alanganin
LEGAL TEAM NI DARAGA MAYOR CARLWYN BALDO PINAG-AARALAN KASONG ISASAMPA LABAN SA NURSE  
Warden humingi ng paumanihin

PINAG-AARALAN ng kampo ni Daraga Mayor Carlwyn Baldo ang kasong isasampa laban sa nurse ng …

Duterte Gun

Duterte aminadong pumatay ng 6 o 7 kriminal noong alkalde ng Davao City

INAMIN ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kahapon, Miyerkoles na pumatay siya ng anim o pitong …

111424 Hataw Frontpage

PH mistulang killing fields sa ‘Duterte drug war — Solon

ni GERRY BALDO NAGMISTULANG killing fields ng mga drug suspect at inosenteng sibilyan ang Filipinas …