RATED R
ni Rommel Gonzales
EXCITED si Ynna Asistio dahil very successful ang season 1 ng kanyang Youtube vlog na Behind The Scenes With Ynna.
Kaeere lamang ng kanyang episode 9 with Maya Eigenmann, asawa ni Geoff Eigenmann na sinundan naman ng Episode 10 na bisita si Aina Solano ng Pinoy Big Brother.
At sa nalalapit ng pagtatapos ng unang season ng kanyang YT show, sa episode 11 ay guest si Karen Reyes na mula rin sa PBB. Isa itong two-part special interview at pinaka-unang interview ni Karen mula nang maging isang ina.
Ang airing nito ay sa December 9 (part 1) at December 16 (part 2).
At siyempre naman, dapat ay pasabog ang season finale ng BTSWY kaya naman two-part interview din ito na sa unang pagkakataon ay hindi isang empowered mom ang bisita ni Ynna kundi ang lalaking dahilan kung bakit siya naging isang empowered mom, walang iba kundi ang mister niyang si Waldolf Joachim O. Carbonell or Bully Carbonell.
Ang episode 12 na ito ay eere sa December 23 (part 1) at ang part 2 naman ay sa December 30.
Samantala, hindi lamang sa kanyang Yotube channel abala si Ynna, isa ri siyang businesswoman.
May dalawang negosyo na hawak si Ynna, ang isa ay tungkol sa mga alahas at ang isa naman ay konektado sa pagkain.
Pero paglilinaw niya, hindi siya ang may-ari ng Radiant Lux Jewelry business.
“I’m the PR & Marketing of Radiant Lux, also part of the sales team so people often have mistaken me as the owner of Radiant and ako rin po ang isa sa mga model nila,” at tumawa si Ynna.
“The owners are the del Rosario family from Meycauayan, Bulacan. They have been in the industry for almost 43 years.
“Established since 1980, expertise namin ang crafting of bespoke rings, custom designs, repairs, appraisals of jewelries.
“‘Yung mga alahas namin ay handmade by our local goldsmiths from Bulacan,” pagmamalaki pa ni Ynna.
“Puwede silang mag-log in sa www.radiantluxjewelry.com para makita nila ang mga product namin.
“Nag-start po ako as referrals lang then noong dumami eventually si Happy ‘yung partner ko sa Radiant and also one of the owners of the company asked if I wanted to be a part of Radiant, so I’ve been with them since 2017.”
Co-owner naman si Ynna ng Meats & Deli Cafe By Rockwell sa The Grove sa Ortigas, Pasig City.
“The owners are my sister si Chef Alyana Asistio, tapos co-owners sina Jay Adevoso a family friend, si Alex Calleja the comedian and Yana’s close friend and ako po.”
Lahad pa ni Ynna, “Kaya po ako sumali, isa po ako sa mga unang sinabihan ni Yana sa vision and dream restaurant niya po kaya sumali ako para matuloy din ang dream niya and dream namin na magka-restaurant together.
“All the recipes are original, concept po ni Yana lahat ‘yung menu,” ang nakangiting kuwento pa ni Ynna. “May mga special menu lang like added food or pastries nila mommy Nads and Mamita Linda, my lola.
“It’s a fusion restaurant meaning mixed cuisines, also delis and meats like all kinds of steaks are available, and specialties are also available like deserts, cake, milk tea and coffee.
“We opened December 15, 2022 and we’re doing very well,” masayang kuwento pa ni Ynna.