Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kimson Tan

Kimson Tan inalok P1-M ng isang bading para sa isang dinner date

RATED R
ni Rommel Gonzales

GUWAPO, makinis, matangkad, at hunky ang Sparkle male star na si Kimson Tan. Kaya naman hindi maiwasan na pagnasaan siya ng mga bading, na kaakibat ay ang mga indecent proposals.

At sa tanong namin kay Kimson kung ano ang inialok sa kanya ng isang bakla na medyo na-shock siya.

“One million for dinner,” bulalas ni Kimson.

Hindi raw niya kilala ang bading na nag-offer sa kanya sa pamamagitan ng direct messaging sa Instagram. Hindi sinagot ni Kimson ang naturang mensahe.

Baka siya ang gustong gawing “dinner” ng naturang bading?

That I don’t know,” pakli ni Kimson. “Pero ako kasi personally, I don’t reply to messages na ganoon, kasi siyempre mahirap na po eh.

“And ako naman personally, sabi ko nga, as long as hindi nako-cross ‘yung respect, ‘yung boundaries, kahit… you know, people commenting every time I post beach pictures, ganoon, sabi ko wala naman sa akin ‘yun.”

May shirtless photos si Kimson sa kanyang IG account.

Sa mga ganoong sitwasyon na P1-M ang alok sa kanya, offended ba siya o flattered?

“I don’t feel flattered but I don’t feel offended also.

“Kasi it’s their way eh, it’s their life, and I can’t… sa akin naman, wala akong… buhay kasi nila ‘yun eh, and I have to respect them.”

Pero hindi ba flattering ‘yung P1-M para lang maka-dinner siya?

Siguro happy kasi naa-appreciate ako ng ibang tao, ganoon po.”

Si Kimson sa Lovers/Liars ay si Kelvin Chong na isang bayarang lalaki.

Bida si Claudine Barretto bilang Via Laurente  at nasa cast din sina Shaira Diaz bilang Nika Aquino, Lianne Valentin bilang Hannah Salalac; Christian Vasquez bilang Victor Tamayo; Michelle Vito bilang Andrea Segreto; at Yasser Marta bilang Caloy.

Sa direksiyon ni Crisanto Aquino, napapanood ito sa GMA Telebabad at sa mga nasa abroad, sa GMA Pinoy TV. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …