Friday , November 15 2024
Bulacan jail guard, sumailalim sa skills at competence seminar

Bulacan jail guard, sumailalim sa skills at competence seminar

SA paghahangad na mapataas ang kanilang kahusayan at mas mapabuti ang kanilang mga kakayahan, nagsagawa ang Provincial Civil Security and Jail Management Office (PCSJMO) ng ‘Custodial Intervention Seminar in the Bulacan Provincial Jail’ noong buwan ng Nobyembre sa Gusali ng Kapitolyo ng Bulacan sa Lungsod ng Malolos, Bulacan na dinaluhan ng mga miyembro ng Bulacan Provincial Jail Custodial Force.

Sa pangunguna ni PCOL. Rizalino A. Andaya, may kabuuang 74 na tauhan mula sa BJP custodial force ang sumailalim sa matinding pagsasanay noong Nobyembre 8, 9, 15 at 22 kung saan nagkaroon sila ng pagkakataong palakasin ang kanilang kumpiyansa sa pagtugon sa iba’t ibang sitwasyong maaaring maganap habang sila ay gumaganap sa tungkulin habang nirerespeto ang karapatang pantao ng mga persons deprived of liberty (PDLs) at kung paano ito ipatutupad sa detention facility, gaano man kaseryoso ang inakusang krimen sa kanila.

Kabilang sa mahahalagang itinuro ni PCOL. Andaya ay ang tamang paghawak ng baril kabilang ang wastong tindig, basic principle sa sight picture, tamang gripping, squeezing at tamang paghinga; handcuffing, weaponry at crowd control para sa pagkakataong magkaroon ng close quarters battle katulad ng pagkakataong may nakatakas na PDL; tamang approach sa jailbreaks, riot at mga kalamidad.

Sa kanyang mensahe, sinabi ni Gob. Daniel R. Fernando na sa pamamagitan ng pamumuhunan sa iba’t ibang pagsasanay at pagpapaunlad ng mga jail guard, hindi lamang tinitiyak ng lalawigan ang kaligtasan at seguridad ng mga correctional facility kundi nakatutulong din ito sa recovery at eventual societal reintegration ng mga nasa ilalim ng kanilang pangangasiwa.

“Ang inisyatiba na ito ay hindi lamang para sa pagpapaunlad ng ating mga jail guards kundi isang pangako rin sa isang mas epektibo at makataong criminal justice system dito sa ating lalawigan,” ani Fernando. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

La Consolacion College Fire

Sa Mendiola, Maynila  
LA CONSOLACION NASUNOG EMPLEYADO SUGATAN

SUGATAN ang isang empleyado sa sunog na tumupok sa La Consolacion College, sa Mendiola St., …

Motorsiklo sinikwat tirador natunton sa mga kuha ng CCTV

Motorsiklo sinikwat ‘tirador’ natunton sa mga kuha ng CCTV

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang lalaki matapos nakawin ang isang nakaparadang motorsiklo sa Sta. …

Carlwyn Baldo

Kalusugan nalagay sa alanganin
LEGAL TEAM NI DARAGA MAYOR CARLWYN BALDO PINAG-AARALAN KASONG ISASAMPA LABAN SA NURSE  
Warden humingi ng paumanihin

PINAG-AARALAN ng kampo ni Daraga Mayor Carlwyn Baldo ang kasong isasampa laban sa nurse ng …

Duterte Gun

Duterte aminadong pumatay ng 6 o 7 kriminal noong alkalde ng Davao City

INAMIN ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kahapon, Miyerkoles na pumatay siya ng anim o pitong …

111424 Hataw Frontpage

PH mistulang killing fields sa ‘Duterte drug war — Solon

ni GERRY BALDO NAGMISTULANG killing fields ng mga drug suspect at inosenteng sibilyan ang Filipinas …