SA pagdiriwang ng Department of Labor and Employment (DOLE) ng kanilang Ika-90 Anibersaryo ngayong taon, nakatakdang magsagawa ang Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pamamagitan ng Provincial Youth, Sports and Public Employment Service Office ng Bulacan Trabaho Service: Job Fair sa Bulacan Capitol Gymnasium sa Lungsod ng Malolos, Bulacan ngayon, Disyembre 7, 2023.
Sinabi ni Gobernador Daniel R. Fernando na mag-aalok ang mini job fair ng mahigit 2,000 job vacancies mula sa 20 lokal at 10 overseas na kumpanya at employers.
Kabilang sa libu-libong job openings ang Associate Agency Manager at Financial Advisor para sa Sun Life GREPA Financial; Receptionist, Waiter, Chief Cook, Steward at Stockman para sa Jolly Management Solutions Inc.; at Automotive Mechanic, Automotive Technician, at Sales Executives at Showroom Assistant para sa ASAP Automan Services and Parts Incorporated.
Nakaangkla sa temang “Serbisyong Mabilis at Matapat sa Bagong Pilipinas”, nakatakdang magbigay ng mahigit 28,000 oportunidad sa trabaho ang DOLE sa pamamagitan ng pagsasagawa ng job fair sa buong buwan ng Disyembre na gaganapin sa iba’t ibang lugar sa buong bansa.
Hinihikayat ang mga interesadong aplikante na sagutan ang pre-registration link sa https://forms.gle/j5cdnRxSRRWtUXtW9 o bisitahin ang Provincial PESO Bulacan facebook page para sa iba pang detalye. (MICKA BAUTISTA)