Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Shawie sa ireretong babae kay Alden: She must be smart and independent woman

ni Allan Sancon

ISA sa mga excited mapanood ng mga netizen ngayong Metro Manila Film Festival 2023 ang tandem nina Sharon Cuneta at Alden Richards bilang mother and son sa pelikulang Family of Two, dahil bukod sa magandang istorya nito na isinulat ni Mel Del Rosario, magaling ang pagkakadirehe ng award winning director na si Nuel  Naval. Samahan pa ng magaling na akting nina Sharon at Alden.

Sa katatapos na grand media conference ng Family of Two ay naging emosyonal si Alden dahil naalala niya ang kanyang yumaong ina at nakita niya kay Sharon ang magandang ugali ng kanyang ina, kung paano siya inaruga at inalagaan nito.

May magandang mensahe ang pelikulang Family of Two sa tunay na relasyon ng mga manonood sa kanilang magulang at kanilang mga anak na tiyak makare-relate sila.

Puring-puri naman ni Sharon si Alden sa pagiging mabait, humble, at pagiging magaling umarte.

Natanong tuloy ng ilang press kung may irereto ba si Sharon na babaeng magiging girlfriend ni Alden? Ano raw ba ang ugali ng babaeng nababagay kay Alden?

“She must be smart and independent woman. Sana ‘yung naiintindihan ang schedules ni Alden and support his career. She also love his family. She must to be strong to her partner and not weak,” ‘yan ang ilang katangiang binanggit ni Sharon para sa magiging partner ni Alden.

Matapos ang success ng Family Matters under CineKo Production ay muling pakaaabangan ang isa na namang family drama movie na Family of Two ngayong MMFF 2023 na siguradong aantig sa puso ng mga manonood.

Makakasama nina Alden at Sharon sa pelikula  sina Miles Ocampo, Jackie Lou Blanco, Pepe Herrera, Tonton Gutierrez, Soliman Cruz, Juztine Luzares, at Donna Cariaga.

Mapapanood sa December 25, 2023 ang, Family of Two in cinemas nationwide.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Allan Sancon

Check Also

Rochelle Pangilinan Arthur Solinap Sexbomb

Rochelle naiyak sa tagumpay ng Sexbomb reunion concert

MATABILni John Fontanilla UNTIL now ay hindi pa rin makapaniwala si Rochelle Pangilinan sa success at sold …

James Reid kathryn Bernardo Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel-Kaila ‘di nagpatalbog kina James-Kathryn

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING usap-usapan ang performance nina James Reid at Kathryn Bernardo sa katatapos na Christmas Special …

Angelica Panganiban Ellen Adarna

Angelica, Ellen nag-follow sa kani-kanilang IG, isasama pa sa GC

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AYAN na, nag follow na sa isa’t isa sina Angelica Panganiban at Ellen Adarna sa …

Lala Sotto MTRCB

MTRCB, tapos nang irebyu ang 8 pelikula sa MMFF ‘25

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio EKSAKTONG dalawang linggo bago mag-Pasko, natapos ng Movie and Television …

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …