Friday , November 15 2024
Alden Richards Sharon Cuneta

Sharon at Alden soulmates, pagiging mag-ina natuloy sa totoong buhay 

HARD TALK
ni Pilar Mateo

MARAMING natutunan at natuklasan sa isa’t isa sina Sharon Cuneta at Alden Richards sa pagsasama nila sa Metro Manila Film Festival 2023 (MMFF) entry ng Cineko Productions (nina Mayor Enrico Roque at Mayor Patrick Meneses) na Family of Two.

Kaya nga sa paglaon, para na silang mga katauhan nila sa pelikula na nag-extend na sa totoong buhay.

Parang anak na ni Shawie si Alden at ang Megastar naman ang naging ina na ng aktor.

Kulang na lang na sabihin ni Mega na sa pagkakatuklas nila sa maraming bagay sa isa’t isa ng kanyang co-actor eh, masasabi na ngang soulmates na rin sila (yes, hindi lang para sa magsyota ang pagkakaroon ng soulmate).

Swak na swak sila sa mga pinaniniwalaan nila at iisa ang takbo ng pag-iisip nila.

Tila nga umayon ang lahat ng bagay nang pagtagpuin na sila sa set ni direk Nuel Naval. At kahit pa may nauna ng naramdamang ‘di naman niya mawari ang writer na si Mel del Rosario sa pag-ayaw niya sa aktor, gumawa ng paraan ang mga pangyayari para mag-swak ang lahat ng kailangan para mabuo ang pelikula. Simula na sa schedule ng mga bida.

‘Di na binasa ni Shawie ang script nang masabi na sa kanya ang  buod ng kuwento na si Alden ang makakasama niya. At ganoon din naman ang aktor. Kung bakit naging maluwag ang schedule niya sa panahong kumahog din siya sa kaabalahan sa iba pa niyang ginagawa.

Gaya ng pangarap at dasal ng lahat ng kasali sa MMFF ngayong taon, ngayong Disyembre, ninanais nina Sharon at Alden na manood ng sampung pelikula ang mga tao at magbalik na ang tiwala sa panonood nito sa mga sinehan.

Gaya ng ibang mga artistang may entry sa panahon ng Kapaskuhan, mag-iikot din sila sa mga sinehan at magtutuloy-tuloy ang promo nito at paghikayat sa mga tao na manood sa mga sinehan.

At sabi nga ng Megastar, lahat ng siyam na kalahok ay panonoorin niya.

Nasa unahan ng listahan ni Alden ang Mallari ng Mentorque Productions na si Piolo Pascual ang bida.

At gaya ng sabi ni Sharon, iba’t iba ang tema ng mga pelikulang kalahok sa MMFF 2023 kaya lahat ay maihahain sa mga manonood sa panahon ng Kapaskuhan.

Isinabay na ng Cineko Productions ang pa-Christmas Party sa press at talaga namang nagpaulan ng cash at walang umuwing luhaan, ‘ika nga!

Ang pangako ng mag-ina sa pelikula hanggang sa tunay na buhay na rin, hindi sila mapapahiya na irekomenda ang for general patronage nilang istorya, lalo na sa mag-ina dahil marami ang makare-relate sa kanilang istorya.

Hanggang saan nga ba ang pagmamahal ng isang ina para sa anak? At saan naman dadalhin ng anak ang kanyang pagmamahal sa ina?

Siguradong isang tear-jerker na naman ang obra ni direk Nuel. Na nanggugulat na lang sa kanyang mga proyekto. 

Aasahan ba natin ‘yan sa Family of Two?

Sabi ng pelikula, “The best journey in life takes you home to family

About Pilar Mateo

Check Also

Jade Riccio

Asia’s Jewel Jade Riccio magtatanghal kasama sina Michelle Dee, Rhian, MayMay, Atasha sa Be Our Guest

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio PATULOY sa kanyang adhikaing ‘baguhin ang buhay sa pamamagitan ng …

Ronald Padriaga True FM 105.9 FM

True FM 105.9 FM mas pinalaki (‘di lang radyo mayroong TV, podcast, Youtube)

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio “IPAGPAPATULOY namin ang pagiging totoo, tunay at tapat sa lahat …

Bo Ivann Lo

Bo Ivann Lo, wish sumabak sa mga kontrabida role

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGSIMULA ang sexy actress na si Bo Ivann Lo sa …

Dwayne Garcia

Dwayne Garcia, excited na sa kanyang debut single na “Taym Perst Muna”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SUPER-EXCITED ang newbie singer/actor na si Dwayne Garcia sa paglabas …

Evelyn Francia Nick Vera Perez

Evelyn Francia, NVP1World’s International Inspirational Wonder

PINATUNAYAN ni Evelyn O. Francia na hindi balakid ang edad para abutin ang pangarap.  Sa edad 67, …