RATED R
ni Rommel Gonzales
MAGKAPATID sina Robb Guinto bilang Erlinda at Vince Rillon sa kuwento ng Vivamax film na Araro.
Bakit Araro ang title ng pelikula nila?
“Kasi po aararuhin po lahat ni Vince ‘yung mga babae rito,” ang humahalakhak na sagot ni Robb sa tanong namin.
Ang ibang female cast ng Araro ay sina Micaella Raz, Arah Alonzo, Dyessa Garcia, Jenn Rosa, atCaira Lee.
Sino ang ka-love scene niya rito?
“Si Matt Francisco po, siya po ‘yung kasintahan ko rito,” banggit ni Robb tungkol sa kanyang leading man na unang beses katrabaho ni Robb.
Paano inihahanda ni Robb ang kanyang sarili kapag unang beses niyang makakaeksena sa isang love scene ang isang lalaki tulad ni Matt?
Lahad ni Robb, “Ano naman po…naging magkaibigan naman po kami agad ni Matt, I mean, nagkapalagayan din naman muna po kami ng loob, since ‘yun nga po, first time namin na magka-work, and then pinag-usapan din naman namin kung paano ‘yung mga gagawin naming eksena bago i-shoot.”
Kahit sexy star ay hindi pa nag-frontal nudity si Robb sa kahit na saang proyekto.
“Ay, wala pa po,” pakli ni Robb.
Tatanggapin niya ba kung may frontal nudity na eksena?
“Siguro baka mahabang usapan po muna ‘yung gagawin namin, bago po siguro ako pumayag, at saka depende rin po kung gaano kaganda ‘yung istorya.
”Go naman po ako basta mapag-uusapan namin.
“Ngayon wala pa naman po.”
Nasa cast din ng Araro sina Vino Gonzales, Raffy Tejada, at Ronnie Lazaro.
Ito ay sa direksiyon ni Topel Lee.